Derek hinipuan, hinaras sa bar


FEELING ni Derek Ramsay ay nabastos at naharas siya nang magpunta siya sa isang bar kamakailan.Sa presscon ng latest movie ng hunk actor under Viva Films at MVP Entertainment, ang “Trophy Wife”, ikinuwento niya kung paano siya itinrato ng ilang babaeng tinawag niyang mga wild.

Nabuksan ang topic na ito nang mapag-usapan ang mga girls na posibleng obssessed sa kanya. Sey ni Derek, marami na siyang na-encounter na mga babaeng “flirt”, pero wala raw siyang pinapatulan sa mga ito.

“No, wala pa (one night stand). Kasi you have to think on the decision you make in your life. The mistakes you made in the past, you learned from it and, no, I use this head more than the other one.”

“I give you an example, I went out the other night. I don’t go out anymore, but I went out to a club, and it’s a culture shock for me! Talagang I haven’t been out ages and… they (girls) are all wild! I felt actually kinda disrespected the way I was treated.

Hawak-hawak, they grinded me…and then I left.” Samantala, muling nilinaw ng aktor ang isyu sa kanila ni Kris Aquino, hindi raw talaga pwedeng maging sila ng TV host, “Katulad nga ng sinasabi ko, hindi talaga puwedeng maging kami, kasi kaibigan ko siya.

Masyado akong nagbibigay ng respeto sa friendship namin. Yes, friendship is a good foundation for a relationship, but hindi kami nagkita ng ganu’n.”

Baka naman kaya hindi niya trip si Kris ay dahil may mga anak na ito? “That’s not…no, why would that be an issue? She has wonderful kids. No, that’s not an issue. Ang importante for me is the intangible thing that brings people together.”

Anyway, ibang-ibang Derek Ramsay na naman ang mapapanood sa bagong pelikula ng Viva na “Trophy Wife” kung saan makakasama niya ang ex-girlfriend na si Cristine Reyes, sina Heart Evangelista at John Estrada.

Bukod sa paseksihan at hubaran, may pagka-suspense thriller din daw ang movie directed by Andoy Ranay. Kating-kati na nga na magkuwento si Derek tungkol sa twist ng movie, pero aniya, panoorin na lang daw natin para may shock factor.

Basta ang siniguro niya, hinding-hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan. Showing na ang “Trophy Wife” sa July 30.

( bandera.ph file photo )

Read more...