DOE umurong sa E-trike project


UMURONG ang Department of Energy sa una nitong plano na maglunsad ng 3,000 electric tricycle sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Energy Usec. Donato Marcos, nagkaroon ng problema ang ilang local government units sa pagkuha ng pondo na gagamitin sa e-trike program ng bansa.

Anya, malaking problema ng mga LGU ay nang mabigo silang makakuha ng seal of good housekeeping na gagarantiya na may kakayanan nga silang humawak ng pondo at makabayad nang tama.

“The seal of good housekeeping is necessary because it means they have a record for good governance, they don’t have pending cases with the Ombudsman or COA (Commission on Audit),” ani Marcos.

Dahil dito, nababalam ang pagpapatupad ng programa.“We cannot be lax about this. We have to ensure that they can pay back the loans to make the project sustainable.”

Tinutulungan umano ng DOE ang mga LGU upang makautang sa Asian Development Bank para gamitin sa nasabing proyekto.
May mga LGU na may kakayanan umanong makapagbayad ng uutangin.

Pero ang masama rito, marami rin sa kanila ang wala namang good housekeeping seal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).  Isang bagay na siyang nagbigay dahilan para hindi matuloy ang programa.

Ngayong taon ay plano sanang ilunsad ng DOE ang 3,000 E-trike. “Within the year we can maybe launch 500 units,” ani Marcos. Ang unang plano ay  makapaglabas ng  E-trike na  100,000 unit.

Noong Agosto 2013 ay nagsagawa ng auction para sa E-trike project. Sumali ang Lirica Rising Sun & Syoyo-Terra Group and Uzushio Electric Co. Ltd. (Japan), Eco One Co., (Korea) at Teaco Electric & Machinery Co. Ltd. (Taiwan).

Plano naman ng Terra Motors at BEET Philippines na magtayo ng manufacturing hub sa bansa.

MOTORISTA

Battery drive
ANG motor ko po ay 125 XLS.  Gusto kong i-convert to battery drive ang ignition system.  Okey lang ba?  Ano ba ang papalitan?
…7773

BANDERA

KARANIWANG may ibenebentang convertion kit ang ilang brand.  Pero, marami na tayong magagaling sa electrical ng motorsiklo at kaya na nilang gawin ito kahit walang convertion kit.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...