Daniel kumita ng P100-M kahit tinraydor ng dating kabanda


NOW it can be told. Ang isang band member pala ang nagpakalat ng photo ni Daniel Padilla na nagyoyosi at may hawak na bote ng alak. Na-disband na kasi ang grupo and apparently meron isang galit na member kay Daniel kaya ipinakalat nito ang photo noong bagets pa ang actor at wala pang name.

Naging controversial ang paglabas ng photo lalo pa’t it was timed during the promotion of Daniel and Kathryn Bernardo’s movie “She’s Dating The Gangster” na blockbuster sa mga sinehan ngayon.

Na-break na nito ang P100 million mark at talagang punung-puno lagi ang mga sinehan sa malls. For whatever purpose ang ginawang pagpapalabas ng controversial photo ay hindi ito nagtagumpay.

Daniel’s movie is a big hit, sablay ang effort ng band member na sirain siya. Lumabas pa siyang walang utang na loob kasi pinagpala na siya ni Daniel pero ganoon pa ang iginanti niya.

( Photo credit to daniel padilla official fanpage )

Read more...