POSIBLENG bago matapos ang taon ay mag-propose na si Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista. Kasabay nito, muling ipinagdiinan ng Kapuso actress na handang-handa na siyang maging misis ng senador.
Ayon kay Heart, kung hindi man natuloy ang marriage proposal ni Chiz nu’ng magbakasyon sila sa Paris, umaasa siya na bago matapos ang 2014 ay may suot na siyang engagement ring.
“No, I’m not engaged yet, but it’s just a matter of when. We talk about it, in short. Like kunwari when we were going to Paris, sabi ko, ‘So are you going to propose to me in Paris? Kasi I have to get my nails fixed para Instagram-friendly siya.’
Pero sabi niya, ‘Babe, not this month.’ ‘So this year?’ I asked him, tapos sabi niya, ‘Yes, this year, but not this month.’ So okay na ako,” pahayag ng isa sa lead star ng bagong pelikula ng Viva Films na “My Trophy Wife” with Cristine Reyes, Derek Ramsay and John Estrada.
Chika pa ni Heart, sa susunod na taon ay 30 na siya at ito raw talaga ang ideal age niya to settle down. “I will turn 30. Perfect siya. Even when it comes to my life and my experiences I’ve had enough.
I’m so happy that I finally met the guy I love…I’ve learned so much already and now I’m ready to go to the next level,” aniya.
“Kasi it’s not a joke to be with someone for life. That’s it, ‘yung forever,” dagdag pa ng aktres.
Umaasa pa rin si Heart na bago siya ikasal kay Chiz ay okay na uli sila ng kanyang nanay, “My dad and I, we are very close. We are better. The other day, nagpadala ako ng dog food kasi marami siyang dogs, super touched naman siya.”
“Well, my mom and I are still a bit…not so, which is understandable,” anang aktres. Samantala, marami na ang gustong makapanood ng “My Trophy Wife” dahil na-curious sila sa trailer ng movie.
Kuwento ni Heart, hindi raw ito yung the usual “kabitan” kind of film. Aminado rin si Heart na mas maraming ipinakita rito si Cristine kesa sa kanya at mas tumaas pa ang paghanga niya sa Kapamilya actress nang makatrabaho niya ito.
“Sobrang galing ni Cristine rito, sobrang bilib ako sa kanya. Talagang with conviction niya ginagawa ang eksena. Kasi ako hindi ko talaga kaya ang ginagawa niya,” sabi ni Heart sa isang interview.
“The movie is all about revenge. She has this major plan to ruin his life and I’m part of it, I fall in love with him because I see the good in him,” kuwento pa ni Heart.
Wala ring isyu sa kanya kung mas lumutang si Cristine sa movie dahil sa tindi ng paghububad na ginawa nito, “Okay lang kasi hindi ko talaga kaya ‘yung ginawa niya sa movie.
When you watch the movie, makikita niyo kung ano ang ibig kong sabihin.” Showing na ang “My Trophy Wife” sa July 30 nationwide sa direksiyon ni Andoy Ranay.
( Photo credit to heart evangelista official fanpage )