ISANG linggo makaraan ang bagyong Glenda na humagupit sa maraming lalawigan, partikular sa rehiyon ng Calabarzon, ay halos sabay-sabay ang pag-aalok ng tulong ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga naapektuhan.
Ang Social Security System (SSS) ay nag-aalok ng calamity relief package para sa mga miyembro nito. Kabilang sa package ay papayagan ang mga miyembro na i-renew ang kanilang salary loans at house repair loans na may magaan na terms, gayundin ang pag-advance ng pension payments ng mga senior citizens.
Ang relief package ay laan sa mga lugar na idineklarang state of calamity ng NDRRMC kabilang ang Albay, Camarines Sur, Samar, Laguna, Naga City at Obando, Bulacan.
SSS vice-president Mary Catherine Ciriaco
NAG-aalok din ng libreng pagpapaospital at gamot para sa mga biktima ng bagyong Glenda ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
agot ng ahensya ang lahat ng bayarin ng sinumang na-confine sa ospital bunsod ng bagyo.
Mamimigay rin ng gamot ang PCSO sa mga lugar na nasalanta.
Nakapaloob ito sa Republic Act 1169 kung saan ang PCSO ay kinakailangang magkaloob ng assistance para sa mga nangangailangan ng tulong lalo na ang apektado ng kalamidad.Atty. Ferdinand
Rojas II
OIC chairman & General Manager
PCSO
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.