Mommy ni Sarah gustong-gusto si Gerald


Mukhang binibigyan ng pag-asa ni Sarah Geronimo si Gerald Anderson.

Si Gerald kasi ay natanong kung gusto niyang i-date si Sarah sa Valentine’s Day.

Gentleman that he is, siyempre sumagot ng oo ang young actor.

When asked kung ano naman ang kanyang sagot sa sinabi ni Gerald, sinabi naman ni Sarah na okay lang sa kanya na maka-date ang ex-boyfriend ni Kim sa araw ng mga puso.

Obvious naman na gustung-gusto ni Sarah si Gerald. Hindi nga lang niya ito maamin dahil tiyak na pagagalitan siya ng kanyang madir.

At mukhang gusto naman si Gerald ng parents ni Sarah.

In fact, ang mommy pa ng singer-actress ang bumili ng t-shirt na ipinangregalo ni Sarah sa binata noong Christmas.

At ang tatay naman ni Sarah ay may espesyal rin na regal okay Gerald.

Ayaw naman sabihin ng actor kung ano ito. Sapat na raw na nag-effort ang father ni Sarah para gawin ang regalong ibinigay sa kanya.

Saan mauuwi ang Sarah-Gerald tandem? ‘Yan ang aabangan ng kanilang fans.

Maaaring matuloy ito sa isang seryosong relasyon, puwede rin namang mauwi sa waley.

Basta ‘wag lang makialam ang Kimerald, o ‘wag kokontra ang strict parents ni Sarah, tiyak  may magandang resulta ito. Wanna bet?

Read more...