DIRETSONG inamin ni Sarah Geronimo hindi siya perfect tulad ng tingin sa kanya ng iba. Tao lang din daw siya na nagkakamali at nakakagawa ng hindi magagandang bagay kung minsan.
Ayon kay Sarah, normal lang sa isang tao ang magalit at makagawa ng desisyon na sa bandang huli ay pagsisisihan mo lang.
“May kasamaan din ang ugali ko minsan. I guess lahat naman tayo, kapag nasaktan tayo or nagalit tayo.
Lalabas yung… normal naman iyon. Lahat naman ng tao may ganoong side,” ang pag-amin ng Pop Princess kasabay ng pagsasabing may mga insecurities pa rin siya hanggang ngayon.
“Parang hindi yata matatapos ‘yang insecurities. Marami tayong gusto gawin, for my personal growth, my own growth. ‘Andito tayo sa business na ito at marami pa tayong dapat ma-accomplish,” paliwanag ng dalaga.
Kitang-kita sa aura ni Sarah ang kaligayahan, in fairness, bukod sa bonggang career ay masaya rin ang kanyang lovelife with Matteo Guidicelli around na ibinandera na sa buong mundo ang pagmamahal sa kanya.
Pero alam ni Sarah na meron pa ring mga taong hindi boto sa relasyon nila ng athlete-actor. “Hindi naman natin mapi-please lahat. Maraming salamat sa lahat ng… kumbaga, wini-welcome yung relationship namin.
Maraming salamat sa suporta ninyo,” chika ng dalaga. Sa tanong naman kung nabibigyan niya ng sapat na panahon ang relasyon nila ni Matteo sa kabila ng kanyang super busy schedule, “Balanse lang po.
Kumbaga, alam naman natin ang priorities ng isa’t isa. Pareho kaming nasa industriya. So, kailangan balansihin lang namin ang time ng bawat isa.”
Masasabi ba niya na ito na ang pinakamaligayang yugto ng kanyang bubay? “Masaya naman po ako, pero yung happiest, hindi naman tayo nagrereklamo, pero marami pa tayong gustong gawin para sa pamilya natin, sa sarili din natin, so sana.”
Nagkomento rin si Sarah sa ginawang pambubuking ng “ate” niya sa showbiz na si Judy Ann Santos, sinabi kasi nito na aprubado na ng mga magulang ng Pop Princess ang relasyon nila ni Matteo, “Ang mga magulang naman… hindi talaga dapat natatapos yung pag-honor at pagrespeto sa mga magulang.
Hanggang sa ikasal nga ang isang couple, kasi magiging magulang din nila (manugang) ‘yon if ever ikasal.”
( bandera.ph file photo )