SA presscon ng teleseryeng Hawak Kamay last Friday sa Dolphy Theater ng ABS-CBN halos sumakit ang tiyan namin sa katatawa sa isa sa most lovable stars nating si Ryan Bang.
He broke the house down sa mga sagot niya sa mga tanong ng media.Noong umpisa pa lang ay nakakatawa na siya dahil siya ang tagaabot ng mic sa bawat kasamahan niyang artist na nandoon.
Nagbiro pa nga siya na hindi naman talaga siya artista sa Hawak Kamay kungdi utility. Ito kasing Hawak Kamay led by Piolo Pascual sa direksiyon nina Rechie del Carmen, May Cruz and Jerry Lopez-Seneneng ang siyang papalit sa iniwang timeslot ng Dyesebel right after TV Patrol na magsisimula na bukas sa ABS-CBN.
Ito’y sa pamumuno ni Business Unit Head Ruel Bayani. The cast also includes Iza Calsado, Nikki Gil, the comebacking actor Victor Neri (who gained weight and promises to trim down very soon para bumalik ang kamachohan and oozing sex appeal he used to have), former PBB housemate Axel Torres, Sofia Andres and the four adorable kids Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Andrea Brillantes and this cute little girl Yesha Camile – siya ‘yung naging grand-winner sa I-Shine ng Promil.
Nakakatuwa nga itong si Yesha dahil nang hiningan ko ng sample ng isang kanta after finding out that she sings pala – mabilis na tumayo ito at bumanat ng “Alone”. Bongga, di ba?
Lalong sumaya ang presscon nang may nagtanong sa papa naming si Ryan Bang kung totoong binasted siya ni Alex Gonzaga.
“Ako? Binasted daw? Akala ko joke lang iyon sa amin sa Showtime. Echusera kasi iyang si Alex. Biro-biro lang naman kasi iyon, di ba? Tsaka sinabi niya akong pangit daw ako.
Masakit pala. Kung pangit siya at sinabi niyang pangit ako, okay lang. Pero dahil maganda siya at tinawag akong pangit, masakit pala. Tsaka, hindi naman ako siguro manliligaw sa kanya kungdi siya nag-kembot, di ba?
“I mean, kung alam kong wala siyang gusto sa akin noon, di na sana ako nanligaw. Pero nagkembot din siya kaya ko siya niligawan. Tapos sasabihin the door is closed,” ang mabilis na tugon niyang ikinahagalpak namin sa katatawa dahil napakanatural nang pagkabigkas niya ng mga salitang ito sa tonong Koreano – alam ninyo namang bulol sa Tagalog itong si Papa Ryan.
Wait lang naman, Alex – hindi pangit si Ryan Bang, ha! We disagree with you. Alam naman naming close kayo at nagbibiruan at times pero alam mo bang na-offend pala si Ryan ng sinabihan mo siya ng “change your parents” after saying na pangit siya.
Napaka-insensitive mo naman pala Alex. Masakit nga naman iyon – walang damayan ng magulang dahil pag dinamay din ng kahit sino ang mga magulang mo ay mahe-hurt ka rin.
“Ang sakit-sakit pala noon. Pero you know, Alex is a good friend, ayokong mawala siya sa akin as a friend forever. Mabait naman kasi siya. Kaya lang na-hurt lang ako sa sinabi niyang change your parents,” ang paulit-ulit na sabi ni Ryan.
“Magkaibigan talaga kami ni Alex -minsan after niyang mag-taping pumupunta iyan sa condo ko para maghugas ng paa. Ganyan ako sa mga friends ko, open sila sa place ko. They drop by anytime,” ani Ryan na wala talagang kamali-malisya.
May girlfriend na raw siya ngayon -isang Korean girl na nag-aaral sa FEU. Dinala na raw niya ito minsan sa Showtime. Di ba’t doon din nag-aaral ang ex ng Mommy Vice Ganda niyang si Terrence Romeo?
Nang tanungin siya ng press kung nagkabalikan na ba sina Vice at Terrence, mabilis pa sa alas kuwatrong sinagot ni Ryan ito.
“Hindi ko gusto si Terrence para kay Mommy Vice. Kasi nga, basta – hindi ko lang siya feel.
Actually, hindi pa kami nagkita ni Terrence. Hindi ko alam kung nagkikita sila. Pero kung saan masaya ang Mommy ko, doon din ako. Sabi nga niya nang malaman niyang taga-FEU rin ang girlfriend ko – mag-ingat sa mga taga-FEU ha, alam mo na,” referring to heartbreaks kumbaga.
Sa totoo lang, ‘yung presscon na iyon ay sumaya lalo dahil kay Ryan Bang. He’s such a cutie to be missed onscreen. Ngayon ay tatlo na ang show ni Papa Ryan ha – ang It’s Showtime, Banana Split at itong Hawak Kamay.
“First time kong mag-teleserye. Mabait mga kasama namin. Si Direk Ruel Bayani palagi akong niyayakap, pati si Direk Jerry,” na siyang ikinahagalpak na naman namin sa katatawa ulit kasi nga, ang insinuation ay mga badingding ang mga ito at niyayakap siya.
“First and last mo na ito Ryan ha,” ang biro sa kanya ni Direk Ruel Bayani na naaliw actually kay Ryan kaya malamang na mas marami pa silang pagsasamahang serye dahil he’s such a cool comedian. Sweet at harmless.
( bandera.ph file photo )