Reklamo ni LJ, Paulo mas gustong makasama si KC kesa kay Aki


NAGSALITA na si LJ Reyes about Paulo Avelino and KC Concepcion. Although hindi naman niya siniraan si Paulo at sinabing hindi naman ito nagkukulang sa kanilang anak, it can easily be discerned na mas may time pa ang hunk actor kay KC kaysa sa kanilang anak na si Aki.

Sa tono ng pananalita ni LJ ay masasabi mong hindi ang kabisihan ni Paulo sa taping ang dahilan kung bakit hindi siya nagkakaroon ng time for his son.

Actually, kung gugustuhin naman ni Paulo ay puwede naman niyang bisitahin ang kanyang anak.  Ang kaso, ayaw lang niya. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.

Eh, bakit mukhang mas nakatutok  pa siya kay KC kaysa kanyang anak? Imagine, sinundan niya ang dalaga ni Sharon Cuneta sa US when he could have spent time with his son.

Merong naglabasang photo na magkasama sila ni KC sa gimikan. Iyan ba ang walang time? Isa pa, three times a week ang taping ng soap niya so there’s much time para dalawin man lang niya ang kanyang anak.

( bandera.ph file photo )

Read more...