Cristine Reyes sukang-suka na sa paghuhubad: gusto kong magbago!


TILA sukang-suka na si Cristine Reyes sa paggawa ng mga sexy movies at parang nagsawa na rin siya sa pagbibilad ng kanyang hubad na katawan in public.

E, kasi nga, sey ni Cristine, ayaw na niyang gumawa ng pelikula na kailangang hubarin niya ang kanyang damit. Baka raw ang bagong movie niya sa Viva Films na “Trophy Wife” ang huli na niyang sexy film kung saan todo-todo nga ang ginawa niyang pagbuburles.

Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight nitong Huwebes, sinabi ni Cristine na gusto na niyang magbago ng image at mas trip niya ngayon ang maging “tunay na aktres.”

Kasabay nito, nilinaw naman niya na walang kinalaman sa desisyon niyang ito ang bagong boyfriend niya na isang foreigner.
“Siguro, for me, gusto ko lang ma-lessen (yung paghuhubad), mag-focus na muna sa acting, drama.

Not really looking forward to doing more sexy films and stuff. Siyempre, ‘di ba, I don’t know, mag-move on naman tayo sa next chapter of my career,” esplika ng aktres.

Nang tanungin naman siya ni Kris Aquino na baka isa lamang itong gimik para mas ma-curious ang tao na panoorin ang pelikula nila nina Heart Evangelista at Derek Ramsay, tugon ng Kapamilya sexy star, “Hindi naman ako ma-gimik na tao, eh.”

Nang mapag-usapan naman ang bagong lalaki sa buhay niya, sinabi ni Cristine na hangga’t maaari ay lilimitahan lang niya ang pagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang lovelife ngayon para maprotektahan na rin ang private life ng guy na hindi naman daw showbiz na tao.

Wala nga raw siyang balak na isama ang lalaki sa premiere night ng “Trophy Wife”. “Kasi para sa kanila, hindi parang normal ‘yung ginagawa natin, ‘di ba? Hindi nila maiintindihan, kasi wala sila kung ano ‘yung ginagawa…wala sila doon.

Hindi nila alam. So, much better na huwag na lang,” pahayag ng aktres. Aminado naman siya na may issue ang kanyang paghuhubad at pakikipag-sex sa movie sa kanyang karelasyon tulad ng ginawa nila ni Derek sa “Trophy Wife” kung saan nag-sex sila sa bathtub, “Hindi talaga siya sanay.

Siguro may issue, pero hindi na lang pinag-uusapan.” Isang half-Persian, half-Filipino ang lalaking tinutukoy ni Cristine na nakilala raw niya noong November, 2012 at in fairness, nakilala na rin daw niya ang pamilya nito.

“We’re exclusively dating. Kilala niyo naman ako. If ever totoong kami na talaga or whatever, malalaman niyo naman. Right now, we’re always seeing each other,” chika pa ng dalaga.

Sey pa nito, kaya raw naging espesyal sa kanya ang nasabing guy ay, “Aside from that (good-looking), I think parang he’s someone na I can really connect with. I don’t know, pag magkasama kami, parang may sariling mundo.”

( bandera.ph file photo )

 

Read more...