Board passer ka | Bandera

Board passer ka

Joseph Greenfield - July 19, 2014 - 03:15 AM

Sulat mula kay Imelda, ng Barangay Cawa-Cawa, Dapitan City.
Dear Sir Greenfield,
Sa susunod na taon ay kukuha na ako ng licensure examination para sa natapos kong kurso.  Kapag nakapasa ako ay magkakaroon na rin ako ng lisensiya at tiyak may permanente na akong pagkakakitaan o trabaho. Ang lisensiyang ito lamang ang magbibigay ng magandang kinabukasan para sa aking anak.  Single mother ako, pero sa mata ng lola ko, ako’y disgrasyada at ang anak ko at bastardo.  Hindi ko naman makuhang magalit sa lola ko dahil siya ang nagtaguyod sa aking pag-aaral.  Alam kong sa pagre-review lamang ako makaaasa na papasa sa eksamen.  Pero, nais ko ring sumangguni sa inyo baka may masisilip kayong suwerte sa akin.  Sa susunod ba ay tunay na lovelife na at mauuwi na ito sa kasalan?  Ako’y isinilang noong Okt. 23, 1991.
Umaasa,
Imelda, ng Barangay Cawa-Cawa, Dapitan City
Solusyon/Analysis
Palmistry:
May linya ng araw (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, at nakatutuwang malinaw ito.  Na ang ibig sabihin, sa susunod na taon, hindi ka mahihirapan sa pagkuha ng eksamen at makapapasa ka.  Pero, dagdagan mo ito ng masidhing repaso, o review, sa iyong mga pinag-aralan.  Magkakaroon ka rin ng lisensiya at magiging propesyonal sa larangan ng kalusugan.
Cartomancy:
Bagama’t suwerte sa career maaari namang sa pag-ibig ay malasin ka muli.  Iyan kasi ang dala ng barahang Three of Spades, ngunit ang barahang Four of Heart ang nagsasabing sa ika-apat na pag-ibig, may itatala ng tagumpay at panghabambuhay na kaligayahan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending