Angel, Luis baka magkaproblema sa kasal dahil magkaiba ng relihiyon


KAHIT magkaiba ng relihiyon, naniniwala si Angel Locsin na hindi ito magiging hadlang sa pagmamahalan nila ni Luis Manzano. Isang renewed Christian kasi si Angel habang devoted Catholic naman ang kanyang boyfriend.

Nag-react ang aktres nang sabihin ni Kris Aquino sa Kris TV kanya na mas magandang magkaroon sila ng “one faith” bago sila magpakasal. Pahayag ng aktres, ang mahalaga, pareho silang may pananampalataya sa Diyos.

“Sa akin wala naman ‘yon kasi lumaki ako sa ganitong klaseng pamilya. Hindi talaga isyu sa akin ang religion basta nagdadasal ka at isa lang ang Diyos mo talaga,” chika ni Angel sa morning show ni Kris.

Kasabay nito, inamin ng aktres na kung minsan ay may mga ginagawa rin siyang “Catholic rituals”, “Ako rin nagba-Baclaran ako, nagsisindi ako ng kandila. Pero ang pina-practice ko talaga is ‘yung Christian.”

“Iisa lang naman ang Diyos natin…kung para sa bata, mag-propose muna siya,” sey pa ng aktres na todo-tanggi pa rin na engaged na sila ni Luis.

Samantala, kinilig naman ang fans ng magdyowa nang sabihin ng aktres na si Luis lang ang tanging lalaki para sa kanya. Maligayang-maligaya raw siya sa piling ng kanyang boyfriend.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang bonding moments nila sa Japan kamakailan. “Nag-Osaka (Japan) kami sobrang kailangan namin ‘yon and ang saya talaga namin, sobra.

Kilala namin ‘yung isa’t isa pero parang dini-discover niyo pa ‘yung isa’t isa. Ang saya-saya lang talaga namin ngayon, sobra. Parang alam ko na din na siya talaga. Kahit anong mangyari, siya talaga,” paniniguro ni Angel.

Muling ikinuwento ni Kris kay Angel kung paano ito nagtanong sa kanya kung saan siya makakabili ng engagement ring na ibibigay nga niya sa kanyang girlfriend sakaling mag-propose na siya.

“Si Luis Manzano, sabi niya, ‘Ninang, a nice ring is magkano?’ Tapos naggo-Google-Google ako tapos ipinakita ko sa kanya. Tapos sabi niya, ‘Oh my God. I really have to work hard talaga. I didn’t know na ganyan.’

“Sinabihan ko, ‘Hoy Luis, mahilig ka sa magagandang relo so dapat ‘yung engagement ring na ibibigay mo dapat ay naka-blue box.’ (Sabi niya) ‘What is a blue box?’ Dapat Tiffany or dapat ‘yung kay Zoren (Legaspi) na ibinigay kay Carmina (Villaroel), ‘yung Harry Winston.

Sabi ko, ‘It doesn’t have to be so big pero ‘yung quality kasi isipin mo rin na sa mga anak n’yo ipapamana niyo ‘yan.’ Hindi ba, from one generation to the next?

“Sabi niya, ‘I have to work, I have to work.’ Yeah, you have to work some more,” natatawang sey pa ni Kris.

( bandera.ph file photo )

Read more...