Natitirang pag-ibig (2)

Sulat mula kay Dynah ng Barangay Poblacion, Iligan City
Problema:
1.    Naguguluhan ako, Sir Greenfield.  Ibig makipagbalikan ng dati kong boyfriend.  Ako ang nagkusang makipaghiwalay sa kanya. Nanghihinayang nga ako dahil maganda na ang itinatakbo ng aming relasyon.  Noong una ay ayaw sa akin ng mga magulang ng aking ex. Pero, di naglaon ay tinanggap din nila ako.  Nagmula kasi ako sa mahirap; purofessionals naman ang mga magulang ng ex ko.  Ang masayang pagsasama namin ay nauwi sa kalungkutan at labis na pagdududa.
2.    Hindi ako nagselos.  Naawa lang ako sa aking sarili.  Nabasa ko ang mahalay na text ng babae sa ex ko.  Hindi ko kinompronta ang ex ko at ako’y humingi ng tulong sa amiga ko.  Sinundan ng amiga ko ang ex ko hanggang nakita niya na sinalubong ng babae ang ex ko at pumasok sila sa motel.  Meron pa naman akong natitirang pag-ibig sa ex ko.  Payuhan ninyo ako.
Umaasa,
Dynah ng Barangay Poblacion, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos mong makipag-break sa boyfriend mo, tulad nang nasabi na sa Cartomancy at Palmistry, hindi na kayo magkakabalikan. Isang lalaking Capricorn, ang manliligaw sayo at sasagutin mo. Ang ikalawang boyfriend mong ito ang iyong makakatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing matapos mong makipag-break sa dating boyfriend, magkakaroon ka ng boyfriend na isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29. Siya na ang makakatuluyan mo.
Graphology:
Ang lagda mong mapangit ang simula pero gumanda na rin sa gitna hanggang sa dulo ang nagsasabing matapos kayong mag-break ng ex-boyfriend mo, magiging maligayang-maligaya ka sa iyong susunod na kasintahan.
Huling payo at paalala:
Dynah, ayon sa iyong kapalaran, hayaan mo nang tuluyang mawala o tuluyan na kayong maghiwalay ng boyfriend mo dahil ang totoo nito, tulad ng nasabi na, hindi na kayo magkakabalikan. Ngayon pa lang ay mas makabubuting limutin mo na siya dahil sa ikalawang pakikipag-boyfriend na darating sa susunod na taon ay malalasap mo ang isang masarap at habambuhay na pakikipagrelasyon.

Read more...