Kasabwat sa dekwat

MARAHIL ilang mall lang ang aamin na malaki na ang nawawala sa kanila dahil sa dekwat ng mga customer. Karamihan, at karaniwan, sa mga balita ay ang customer ang nan-dedekwat. Nahahagip ng security camera ang customer kaya’t agad itong sinusundan ng house detective. May mga mall na ang house detective ay di agad nakikilala ng mga kawani sa grocery o department store. Hindi rin ito agad na nakikilala ng duty guards at kung mahahalata nila ay sinisita ang house detective nang halos pabulong. Kapag ibinigay ang password ay balik sa normal ang operasyon. Kung gagamit ng kasabwat ang customer ay madali rin itong mahalata ng magagaling na house detectives o hindi nakaunipormeng mga guwardiya.

Pero, dito rin kumikita ang mga mall mula sa mapagkakasunduang areglo. Napakalaki ang ibinabayad ng mga akusado (na isinampa na ang kaso sa korte). Ang hindi kayang bayaran ang
areglo ay mabubulok sa bilangguan.

Paano kung kasabwat mismo ang mga kawani ng grocery o department store? Heto ang isang pangyayari. Kasabwat ang bagger at isang guwardiya o mismong house detective. Dahil dito, alam ng customer ang cash lane na hindi hagip ng kamera. Bago niya ipila ang cart ay meron siyang kasama na hahanapin ang kasabwat na bagger para titiyempong magsusupot ng kanyang pinamili kapag na-scan na ng kahera. Karaniwan na hindi nakikita ng kahera ang laman ng cart.

Kapag malapit nang maubos ang laman ng cart ay itutulak na ito para ilagay ng bagger ang nakasupot na pinamili. Tatabunan ng nakasupot na pinamili ang mga hindi na scan kaya’t hindi ito makikita.

Bakit lumalala ang pandedekwat sa mga mall at nagiging kasabwat mismo ang mga kawani? Dahil barat magpasuweldo ang mga mall. Sagad pa sa trabaho at sobra pa sa singhal ng mga bosing-bosingan ang rank and file.

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Paano nagkaroon ng P2 bilyon utang ang Caloocan City? Kaduda-duda. Dapat ipakita ni Oca Malapitan sa taumbayan kung paano ginagasta ang pera at ang kasalukuyang laman ng kaban ng bayan. Napakapeligroso ito kung may opisyal na naglilibang sa sugalan sa Macau at ibinebenta ang barangay para lamang sa SM kahit palayasin ang mga residente. …9073

Ano ba ang susunod na ibebenta sa Caloocan? Ang Dagat-Dagatan para tayuan ng Puregold? Kongreso ng Mamamamayan ng Lungsod ng Kalookan (Kamlon) …5993

It’s more pork in the Philippines. Pag di pa naman dumami ang turista. …0859

Sa totoo lang, rich ang ating pangulo. Mahal ang lahat na presyo ng bilihin. Namamatay at pinapatay ang mahihirap. Walang nadaramang ayuda sa mahihirap kundi sa mayayaman pa. Dods, ng Tacurong City. …9382

Pakisabi kay Pacman na ngayon pa lang ay mag-workout na siya sa gym. Baka nakalilimutan na niyang magpapawis. May tulog siya sa susunod na kalaban. …8940

Read more...