Juday, Richard, Regine, Kuya Kim di pinatawad ng hagupit ni ‘Glenda

JUDY ANN SANTOS, RYAN AGONCILLO AT RICHARD GOMEZ

HINDI nakaligtas sa hagupit ni Glenda ang ilang local celebrities natin, kahit sila ay na-experience rin ang matinding hangin at ulan na dala ng huling bagyong tumama sa Pilipinas.

Sa social media ibinandera ng ilang kilalang showbiz personalities ang pinsalang dala sa kanila ng bagyong Glenda at kung paano sila naapektuhan nito. Bukod pa nga ito sa mga inialay nilang panalangin para sa mga kababayan nating nawalan ng kapamilya at tahanan matapos bayuhin ng bagyo ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

Habang rumaragasa si Glenda sa kamaynilaan ay nagawa pang umuwi ng kanilang bahay si Anne Curtis galing sa trabaho at dito nga niya nakunan ang ilang kalye na halos hindi na madaanan dahil sa mga nagtumbahang puno at poste.

Sa kanyang Instagram account ipinost ng Kapamilya actress ang kanyang naging experience, “Finally home from work and it was a scary drive home. There’s a lot of debris on the road. From fallen trees, signs, andfences. The wind is howling and is extremelystrong.

“I hope the rain and wind settles down soon. For now, stay indoors unless you are asked to evacuate your area or if it is absolutely necessary for you to leave your house. Be safe everyone!” anang TV host-actress.

Ipinakita naman ni Judy Ann Santos ang nangyari sa kanilang garden matapos humampas sa Metro Manila ang mata ng bagyo. Sa lakas ng ulan at hangin ay yumuko ang mga halaman sa labas ng bahay nina Juday at Ryan Agoncillo. Sey ni Juday, “Hala..Nag-bow na mga halaman ko kay glenda..Ingat po tayong lahat..Stay safe..”

Ilang pictures naman ang ipinost ni Kuya Kim Atienza sa kanyang IG ng ilang mga lugar at kalye na dinaanan din ng malakas na bagyo. Kahit ang garden sa bahay nila as Malate, Maynila sa ay hindi rin pinatawad ni Glenda.

Pinasok naman ng tubig ang bahay nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid dahil sa lakas ng ulan, wala na rin daw nagawa ang mag-asawa kundi ang hintaying humupa ang masamang panahon bago nila linisin ang kanilang tahanan. Sey ni Regine, “Pinasok na rin tubig bahay namin…!”

Samantala, nag-post din si Richard Gomez ng litrato ng kanilang swimming pool at kitang-kita rito kung paano niragasa ng bagyo ang nasabing lugar. Nilagyan ni Goma ang picture ng caption na: “Bagsak ang puno sa bahay namin this morning. #glenda. Sa mga kababayan po natin, ingat po.”

Sa kanyang Twitter account naman nag-post ng kanyang mensahe ang Kapamilya leading lady na si Iza Calzado, sey ni Iza talagang natakot siya sa tunog ng malakas na hangin at walang tigil na pag-ulan. Nag-worry din siya nang biglang mawala ang kuryente sa kanilang lugar.

Ipinost ni Rochelle Pangilinan sa kanyang IG ang natumbang puno ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay, ito raw ang naging dahilan kung bakit naantala ang kanyang pag-uwi. Sabi ni Rochelle, “Isang malaking puno ang natumba sa street namin. Walang madaanan pauwi. alternateroute? May poste naman na bumagsak sa kabila #glendaph.”

Sa kanyang Twitter account din nag-a-update ang isa sa mga coach ng The Voice Kids na si Lea Salonga sa mga kaganapan sa kanilang lugar. Post ni Lea, “Looks like the worst is over for our area…If the storm is heading your way, please stay safe. I can hear the windows rattling with the wind. Oh boy!”

Read more...