P-Noy nakarma, bagsak ang rating dahil sa pang-aapi kay Nora


Malaki ang ibinaba ng  rating ni Pangulong Noynoy Aquino and we saw some 12 reasons why his rating dropped. Naloka kami sa 12th reason kung bakit bumaba ang popularity ni PNoy.

Sa nabasa naming reasons na lumabas sa Pulse Asia Survey ay isa ang hindi pagkakaloob ni PNoy ng National Artist Award kay Nora Aunor sa mga dahilan kung bakit bumaba ang rating ng Pangulo.

Actually, PNoy earned the collective ire of the people in showbusiness and the people in social media, when he did not declare Nora as National Artist. Ramdam na ramdam ang panlilibak sa Pangulo sa social media, talagang binanatan siya nang husto.

Lalo pang NAULOL sa galit ang mga tao when PNoy said in a statement na Nora was convicted for drugs, something which put a dent on his CREDIBILITY lalo pa’t he was not able to SUBSTANTIATE it.

It appears na NALOKO siya ng kung sino mang nagbulong ng ganoon sa kanya dahil hindi naman pala CONVICTED si Ate Guy.
Many people thought that the president did a very GRAVE MISTAKE which he NEVER ADMITTED.

May nagsabing, “Agree ako KARMA na yan MR PRESIDENT.” “Ang mga Noranian noon ay nag-abroad na at patuloy na gumagawa ng paraan sa ikabubuti ng pamilya at nakakatulong sa bansa PERO ANG GOBYERNO WINAWASAK ANG SARILING GOBYERNO DAHIL SA KAWALAN NG MORAL SA PANGUNGURAKOT SUHULAN YAN BA ANG VALUES NA DAPAT KAMTAN NG MGA SUSUNOD NA HENERASYON,” comment naman ng isa.

“Ginago nya ang artistang may pagpapahalaga sa sining ngayon nasaan ang moral mo pati batas gusto mo baluktutin,” maanghang na opinion ng isa pang maka-Nora.

( bandera.ph file photo )

Read more...