MUKHANG hindi maka-move on itong si KC Concepcion sa hiwalayan nila ni Piolo Pascual. Reportedly, KC made a swipe at Piolo when she watched the spot number of Christian Bautista bago igawad kay Piolo ang FPJ Memorial Achievement Award.
While a video was flashing on screen ay kumakanta naman si Christian. As soon as KC watched the video, bigla raw itong nagdayalog ng, “Sana si Mark Bautista ang pinakanta sa segment na yan, hindi si Christian Bautista.
It could have been more meaningful to Piolo”. True ba ito, KC? Were you still that hurt na hindi mo pa rin makalimutan ang episode mo kay Papa P? Hurt na hurt ka pa rin ba? Sa tagal na ng pangyayari ay hindi ka pa rin ba naka-move on?
Still on KC, isnabang umaatikabo raw ang nangyari noong FAMAS Awards. Kahit na nasa iisang event ay hindi raw nagpansinan sina KC and Piolo. No one between them tried to even greet each other.
Well, that’s expected kasi nga hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Nagwagi si KC bilang best actress sa FAMAS. Siguro hindi nakumpleto ang kanyang ligaya dahil nakita niya sa event si Piolo.
( bandera.ph file photo )