Claudine kay Raymart: Idedemanda ko uli siya… wala siyang sariling utak!

NAGPUPUYOS na naman sa galit si Claudine Barretto! Kasabay ng pagbayo ng bagyong Glenda kahapon sa bansa,  balitang sinabayan din ito ng pag-e-emote ng ex-wife ni Raymart Santiago – magsasampa raw siya ng panibagong kaso laban sa dating mister.

Tama ang hula ng marami na hindi magtatagal ang “tigil putukan” sa pagitan ng dating mag-asawa. Kamakailan lang ay nabalitang nagkasundo na sila sa custody ng kanilang dalawang anak at nangakong aayusin ang iba pa nilang gusot alang-alang sa kanilang mga anak.

Pero iba na naman ang senaryo ngayon, sa interview ng ABS-CBN kay Claudine, sinabi nitong aatras na sila sa judicial dispute resolution (JDR) nila ni Raymart para sa custody ng mga anak nilang sina Sabina at Santino.

“Also, we’re really working hard and really preparing the children to decide already kung kanino nila gusto mag-stay. Sila na mamili, kung saan nila gusto – sa tatay nila o sa akin,” sey ng aktres kasabay ng pagsasabing magsasampa siya ng bagong kaso laban sa dating mister, ang “economical abuse.”

Sey ni Claudine may tatlong rason kung bakit siya nagdesisyong umatras sa mediation process ng korte, una ay dahil sa pakialamerang abogado raw ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, na aniya’y humaharang sa pagkakasundo nila ng ex husband.

“Kasi nga siya ‘yung salita nang salita, ayos na lahat, e. We were under mediation na nga, eh, na sila ang humingi. Nag-usap kami when I told him about ‘yung si lady lawyer niya na walang ibang ginawa kundi…

Gusto yatang sumikat, eh chakaness naman. I told him to tell her to back off and to shut up,” mataray na sabi ng aktres.
Sinagot na ito noon ng legal counsel ni Raymart, anito, may basbas ng kliyente niya ang kanyang pagsasalita.

Pero hirit ni Claudine, “Everything was okay (JDR). I told him nga, eh, ‘Sayang, we were at peace for two weeks. We had peace. And here comes your lawyer with her big mouth, talking again.’ She destroys everything.”

Bukod dito, sinabihan din ni Claudine ang Kapuso actor na walang “balls”, “Si Raymart kasi walang sariling desisyon at isip ‘yan, eh. Walang sariling prinsipyo. Wala kasi siyang sariling utak.

Kung ano na lang sabihin ng iba, doon siya makikinig. Pero ‘yung sabihin mong desisyon talaga ni Raymart? Hindi niya kayang mag-isip ng gano’n.”

Kinukuwestiyon din ni Claudine ang pagiging tatay ni Raymart, aniya, lagi raw itong wala sa mga special events ng kanilang mga anak, “Magulo na naman siyang kausap. He’s nowhere to be found.

Alam naman niya ‘yung mga cellphone numbers nila. Hindi mag-check man lang, mag-hi, ‘How are you?’ Wala.” Kuwento ni Claudine, hindi pumunta si Raymart sa birthday party ni Sabina, “We celebrated later, kasi bagong pasukan lang ‘yan, so bagong mga classmates.

Para maging ano muna sila… At least, ‘di ba? So ginagawa namin, July lagi, sila ni Santino. Last, last year, sabay. This time, solo-solo. “And instead of him (Santiago) being at the party, he was skydiving.

Alam naman niya kasi nakikita niya sa Instagram ‘yung ano… And wala. Walang anything,” sumbong pa ng aktres. Pero inamin naman niya na nagkasama ang mag-ama noong actual birthday ng bata, “He was able to visit naman. ‘Yun lang. Iyon na ‘yon.”

Bukod dito, hindi man lang daw nagpakita ng concern si Raymart nang makagat ng aso si Sabina.  At huling hirit ng aktres, hindi rin daw naibibigay ni Raymart ang sapat na sustento sa dalawang anak, “Magdedemanda kami ng economical abuse.

He doesn’t want to stop and he doesn’t want to help. He doesn’t want peace. I don’t know why he doesn’t want peace. So, sige, let’s just give him what he wants na lang.”

“I told him, ‘Let’s give our children what’s due our children.’ He doesn’t want to, so I can’t force him anymore. I cannot naman talagang… Hindi naman ako ‘yung tipong pipilitan ko siya.

Hayaan na lang natin ‘yung court (ang magdesisyon),” sey pa nito. “It doesn’t matter whether I have money or not, whether I have work or not. Ang akin, responsibilidad mo ‘yan, ke may pera ako o wala, you give your children what’s due them.

Iyon ‘yung akin. Pinasok mo ‘yan, be responsible enough. “Hindi ‘yung birthday ng anak mo, nag-i-skydiving ka. Baka hindi na magbukas ‘yung parachute. Nakakatakot ‘yon, ‘di ba?” ang tila may pananakot pang litanya ni Claudine.

Wala pang sagot si Raymart sa bagong pasabog ni Claudine, pero feeling namin, dededmahin lang ito ng aktor tulad ng nakagawian niya sa tuwing tumatalak si Claudine. Tingnan na lang natin kung ano ang susunod na hakbang ni Raymart.

( bandera.ph file photo )

Read more...