3 female youngstar pinagpipilian para maging dyowa ni Enrique


May debate raw kung sino among three ABS-CBN youngstars ang bagay na ka-love team ni Enrique Gil. Aksidenteng nadulas sa amin ang isang taga-Star Magic na pinagbobotohan daw ngayon ng mga boss kung sino kina Julia Barretto, Liza Soberano at isang nalimutan namin ang name ang susunod na makakatambal ni Enrique.

Tinanong namin kung bakit kailangan ng botohan o debate, “Para maging permanente like Daniel (Padilla) and Kathryn (Bernardo).  As of now kasi sina DJ at Kath lang talaga ang permanenteng loveteam.

“Halos lahat iba-iba na, like si Sarah Geronimo, before it was John Lloyd Cruz lang ang love team, naging Gerald Anderson, then si Coco Martin na rin.

“Same thing with Bea (Alonzo), before it was Lloydie rin lang, puwede rin pala siya kay Dingdong Dantes. Si Kim Chiu naman though my Coco sa Ikaw Lamang, hinahanap pa rin siya with Xian Lim, but heto, marami pa ring nag-aabang sa tambalang Kim at Gerald, huh!

“Kaya si Enrique, hinahanapan din ng permanente na, nasubukan na sila ni Julia sa Mira Bella, now si Liza naman sa movie, dapat may isa pa para makita kung sino ang malakas for him.”

Nagtanong naman kami sa mga katoto kung sino nga ang bagay kay Enrique at iisa ang sagot nila, either kay Julia o  kay Liza lang daw bagay ang aktor.

( Photo credit to enrique gil official fanpage )

Read more...