NAUUNAWAAN namin ang naging reaksyon ni direk Wenn Deramas hinggil sa pamba-bash sa kanya ng mga nagpapakilalang Noranians, partikular na ang panlalait ng mga ito sa 2014 MMFF entry nila ni Vice Ganda, an “Praybeyt Benjamin 2”.
Medyo nagtataka lang din kami kapatid na Ervin kung bakit sa dinami-dami ng kalahok sa filmfest this year ay kung bakit ang “Praybeyt Benjamin 2” ang tinitira ngayon ng mga nagpapakilalang fans ni Superstar Nora Aunor?
Ayon pa sa nasagap naming balita, tinawag pa raw na “basura” ng supporters ni Ate Guy ang mga pelikula ni direk Wenn na hindi naman yata makatarungan.
Mabuti na lang at maganda ang paliwanag ni direk Wenn na hindi naman kasalanan ng mga gaya niyang direktor kung mas napaboran ng screening committee ng MMFF ang movie nila ni Vice over Ate Guy’s submitted entry.
Malinaw din ang naging posisyon ng direktor na sa pamantayan ng MMFF ay swak ang ginagawa nilang mga pelikula na matatawag na pampamilya.
“Whistleblower” ang supposedly entry ni Ate Guy. Base sa nasagap naming tsika, masyado raw eksplosibo at mapangahas ang tema ng movie to the point na may bahagi itong tila ang gobyerno na ang sinisisi at itinuturong “pasimuno” sa korupsyon at iba pang sakit ng lipunan.
For a Christmas celebration nga naman, mukhang masyado itong mabigat. Pero kung sakaling ganito nga ang pasabog ng movie ni ate Guy, ngayon pa lang ay gusto na namin itong mapanood.
( Photo credit to EAS )