Gwen Zamora muntik masira ang ilong


Tila paborito ng producers sa Indonesia ang GMA Artist Center talent na si Gwen Zamora. Kagaganap lang niya bilang kontrabida sa katatapos na GMA Afternoon Prime drama na Innamorata, heto’t naging abala naman si Gwen para sa Indonesian superhero film na “Valentine”.

Tumulak pa sa Indonesia si Gwen para sa training ng kanyang fight scenes. Gagampanan niya ang papel ni Pink, ang sidekick ng kalaban ni Valentine. Bigay-todo ang dalaga sa pagpapamalas ng kanyang husay sa action-packed na ensayo.

May pagka-delikado man ang stunts, enjoy pa rin ang Kapuso star sa ginagawa. In fact, nag-post nga ang aktres sa kanyang Instagram account ng ilang patikim sa kanyang training.

Kahit nasaktan na, tuloy lang ang 22-year-old sa training. “Perks of doing an action movie, you almost get to break your nose…Hahahaha #ouch #teamvalentine #skylarpictures,” sabi ni Gwen sa isang video post niya sa Instagram.

Kalaunan, nakuha rin ni Gwen ang stunts at umani ng papuri sa kanyang followers at mga kaibigan. Sa Setyembre raw mag-uumpisa ang shooting ng “Valentine” sa Jakarta, Indonesia.

( Photo credit to gwen zamora official fanpage )

Read more...