Philhealth Universal Coverage para sa mahihirap

WALA nang exemption. Ang lahat ng mahihirap na pamilya o ang mga pamilyang nabibilang sa poorest of the poor ay otomatikong miyembro na ng Philhealth at saklaw na ng benipisyong maaring makuha rito.

Ito ang sinabi sa atin ni Atty. Alex Padilla, ang pangulo ng PhilHealth.

Sa ngayon, masasabing isa na lang ang depenisyon ng mahirap at ito ay nasa ilalim nang tinatawag na National Household Targetiing System for Poverty Reduction(NHTS-PR o listahan).

Mahigit na 14 milyong mahihirap na Pinoy ang maaring makinabang sa programa. Ito ay base na rin sa ginawang census ng DSWD para masuri kung sinu-sino ang mahihirap na pamilya ang dapat makatanggap ng benipisyo mula sa Philhealth.

Kailangan makilala ang mga indigent members ng PhilHealth na napili ng DSWD para mapabilang sa programa na higit pang matulungan.

Ang indigent members ay itinuturing ding mga benepisyaryo ng Programang ALAGA KA na naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng masigasig na pagbibigay-impormasyon hinggil na rin sa mga benepisyo ng PhilHealth at iba pang serbisyong pangkalusugan na maaring nilang makamtan.

Ang bawat miyembrong napabilang sa Indigent Program ay makatatanggap ng Member Data Record (MDR) kung saan nakasaad ang kanyang PhilHealth Identification Number (PIN), ang petsa hanggang kailan siya nakaseguro sa PhilHealth at ang mga pangalan ng kanyang kwalipikadong dependents.

Maaaring makipag-ugnayan sa lokal ng pamahalaan upang matukoy kung sinu-sino ang kabilang sa Indigent Program.

Gayunman, wala namang dagdag na bayad ang mga indigent members kung magpapa-gamot sa mga pagamutang pag-aari ng gobyerno at mga pribadong non-hospital facilities tulad ng dialysis centers at lying in clinics.

Sakali naman na ang ng isang mahirap ay nagkasakit o naospital ngunit wala sa listahan ng DSWD, maaari pa rin silang makinabang sa programa ng PhilHealth. Magtungo lamang sa social service ng ospital at sabihin na sila ay walang kakayahang magbayad sa mga gastusin sa ospital.

Ang nasabing programa ay nasa ilalim ng point of care program na kung saan sagot din ng Philhealth ang mga babayaran sa ospital.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.

 

Read more...