Xandra, ng Jamindan, Capiz Problema: 1. Bata pa ako ay pangarap ko nang ihatid ng aking ama sa aking mapapangasawa sa loob ng simbahan. Ako’y nagkaisip kasi sa paligid na hindi na nagpapakasal ang mga babae’t lalaki at nagsasama na lang. Hanggang sa naisumpa ko sa dabarkads na hinding-hindi ako magiging kabit. Kinain ko ang lahat ng aking mga sinabi. Noong una ay okay lang dahil sa akin naman umuuwi ang kinakasama ko. 2. Huli na nang malaman kong may asawa siya at may pamilya sa malayong bayan. Nang malaman ko ito ay hindi ko na pinaiinit ang pakikitungo ko sa aking mga kapitbahay. Alam ko kasi na kapag iniwanan ako ng kinakasama ko ay gagana ang kanilang matatabil na dila. May kutob ako na magkakahiwalay na kami. Meron pa bang binata na pakakasalan ako? Pangarap ko talagang makasal sa simbahan. Umaasa, Xandra, ng Jamindan, Capiz Astrology: Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing ka-compatible mo ang lalaking kinakasama mo na may asawa na dahil ang zodiac sign niyang Aquarius ay pinangingibabawan din ng elementong air o hangin. Numerology: Ang birth date mo ay nagsasabing bukod sa tugma at compatible kayo sa Astrology, tugma rin ang birth date niya sa birth date mo. Ibig sabihin, tulad nang nasabi na, malabo na kayong magkahiwalay ng lalaking kinakasama mo kahit siya ay may asawa at pamilya na. Physiognomy: Ang buhay at malaking nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi ay nagsasabing habang nakikipa-relasyon ka sa lalaking may asawa at pamilya na, dapat kang magnegosyo ng tindahan ng bigas, grocery at iba pang kauri nito. Sa negosyong nabanggit ka yayaman. Luscher Color Test: Gumamit kang lagi ng kulay na pula upang kahit na nakikipagrelasyon ka sa lalaking may asawa na, patuloy na umunlad at lumago ang kabuhayan mo sa aspetong pang-materyal. Huling payo at paalala: Xandra, may iba’t ibang suwerte ang bawat tao, sa kaso mo suwerte ka sa aspetong pang-materyal sa lalaking kinakasama mo kahit siya ay may asawa na. Ayon sa iyong kapalaran, malabo na kayong magkahiwalay. Ganoon paman, upang makatiyak ng “financial security” sa kinabukasan, tulad nang naipahayag na sa itaas, ang dapat mong gawin ngayon ay magpayaman. Sa ganyang paraan ay kapag nagkahiwalay kayo ng lalaking kinakasama mo, mananatili ang maganda at masaganang kalagayan ng iyong buhay sa aspetong pang-materyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
