Ate Vi sa 2016 election: Gusto ko munang magpahinga!

By Alex Brosas July 14,2014
share this

Ate Vi sa 2016 election: Gusto ko munang magpahinga!

By Alex Brosas July 14,2014
share this


BATANGAS Gov. Vilma Santos confided to a reporter-friend na wala siyang planong tumakbo sa 2016 national elections.
Matunog na matunog ang name ni Ate Vi na isa sa potential candidates for Vice-President in 2016.

Kahit two years pa ang election, lumutang na ang name niya sa mga posibleng tumakbo.  And since last tern na niya as governor of Batangas, Ate Vi is reportedly seeking a higher position, ang vice president seat nga.

Curious kung ano talaga ang political plan niya, tinext ng isang reporter si Ate Vi who said na hindi siya nagpaplano ng anything regarding her political career.

Say ni Ate Vi, mas gusto niyang magpahinga muna, gawin ang mga hindi niya nagawa dahil naging busy  siya bilang gobernadora ng Batangas.

Nasa 10-day trip nga siya sa London kasama ang dyowang si Ralph Recto at anak nilang si Ryan dahil doon pala ito mag-aaral.
Ang sabi pa ni Ate Vi, gusto niyang magdirek kapag wala na siya sa politics.

Hindi lang pag-aartista ang gagawin niya kundi pagdidirek na rin.

( Photo credit to vilma santos official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending