Marian, Dingdong bastos daw, binatikos ng mga magulang


Marami pala ang nag-react when Marian Rivera and Dingdong Dantes displayed with great abundance their lambingan on each other while on vacation sa ibang bansa.

Naglabasan kasi ang mga photo nila together habang naglalampungan sa mga kalye, para silang bagong kasal na super sweet sa isa’t isa. Actually, marami ang humanga sa kanilang PDA (public display of affection).

Kasi nga naman, marami silang fans at type na type nila ang paglalampungan ng dalawa dahil ipinapakita nitong mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Pero marami rin ang naloka nang makita ang photos nila habang naghahalikan at nagyayakapan. Bakit pa raw kailangan nilang ipakita ang mga iyon sa publiko. It leaves a bad taste in the mouth raw.

May mga magulang pa nga na nagrereklamo, dahil merong fans na teenager ang dalawa at hindi nga naman magandang ehemplo na makita silang naglalampungan sa mga photos nila sa social media.

Napapansin lang namin, itong si Marian ay panay ang post ng sweet moment photos nila ni Dingdong. Hindi namin alam if she’s telling the public of how madly in love they are with each other o gusto lang niyang manginggit.

Parang gusto niyang ipagbanduhan sa kanilang mga fans na hindi sila puwedeng paghiwalayin ng maski sino.

( Photo credit to dingdong dantes official fanpage )

Read more...