Heart: Isusumpa na ako ng nanay ko nabuntis ako!


LALONG gumanda si Heart Evangelista nang humarap ito sa members ng entertainment media sa presscon na ipinatawag ng Viva Films for their movie “Trophy Wife” na ginanap sa The Library Metrowalk last Thursday.

Kasama niya sa table nu’ng dumating ako ang love naming si Papa John Estrada who plays a very important role in the film. Nauna silang dumating sa co-stars nilang sina Cristine Reyes and Derek Ramsay dahil Heart had a very important appointment pa raw.

Iba-iba ang definition natin ng “trophy” (husband, wife, boyfriend, girlfriend), di ba? Merong pang-display lang talaga – merong may love pero very aspirational ang dating.

Kasi nga, when you say “trophy something”, kasama sa package ng usapin ang bonggang stature ng partner mo, mataas ang status ng taong iyon – hinahangaan, very popular, big name sa kaniyang field at kung anupaman.

Iyan ang tinanong ko kay Heart, if she considers Sen. Chiz Escudero as a “trophy boyfriend” dahil sikat at guwapong senador nga ito being wooed by many girls and gays alike.

“Puwede. Depends sa definition natin of a ‘trophy boyfriend’. Sa case ko kasi, 2007 pa lang ay crush ko na si Sen. Chiz and hindi ko talaga in-expect na magiging kami pala.

There are times na nai-starstruck pa rin ako sa kaniya. Ang sarap pala talaga ng feeling na yung crush mo ay magiging boyfriend mo. I love the thought of it.

“Ang maganda kasi kay Chiz, wala siyang ere, he’s very smart and so loving. Hindi siya mayabang at siya yung tipong we walk around na walang sandamakmak na bodyguards kahit napakataas ng kaniyang posisyon sa lipunan.

Hindi mo makikita kay Chiz yung ganoong mga eksena kahit senador pa siya,” pagmamalaki ni Heart sa kanyang boyfriend.
May nagtanong sa kaniya about  wedding bells – are we hearing that soon, Heart?

Ano raw ba yung sinabi niya minsan that she’s pregnant – in an article kasi, she said daw na “buntis ako” – pwede ba niya itong linawin?

“Ha-hahaha! Joke lang iyon. Kasi nga, di ba? Iyon ang gustong marinig minsan ng mga tao, yung sasabihin mong ganito ka, ganoon. Yes, I joked that way. Sinabi kong buntis ako para matigil na yun mga speculations.

Pero hindi totoo iyon. Playtime iyon. Ha-hahaha! That’s the last thing that I should do before getting married – yung mabuntis.
“Baka pag ginawa ko iyon, hindi ko na makikita ang mommy ko for the rest of my life.

Tiyak na isusumpa na nila ako nang tuluyan. Hindi ko papayagang mangyari iyon. “Pag nagkapamilya na ako, I will tell you. Pero sure akong hindi magpapabuntis until I get married. Mahal ko ang nanay ko.

Pag ginawa ko iyon, hindi ko na siya (nanay niya) masisisi kung hindi na niya kausapin o gustong makita habambuhay,” paniguro ni Heart.

Anyway, “Trophy Wife” is a very sexy movie, sexy ang istorya pero hindi raw kaya ni Heart to bare in any film. “Sa pictorials lang siguro ko kakayanin ang pagpapa-sexy pero may limitations pa rin.

Pero sa pelikula, hindi talaga. Ayokong gawin, hindi ko kaya. It takes a lot of guts to be able to do it, and I don’t have that much guts. I don’t have anything against those na nagpapa-sexy, I just speak for myself,” ani Heart matter-of-factly.

“Trophy Wife” will be shown nationwide starting July 30. Catch this film by Direk Andoy Ranay. In fairness sa trailer, mahihila ko on the way to the sinehan. Promise.

( bandera.ph file photo )

Read more...