San Beda pinabagsak ang Arellano

Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. Letran vs JRU
4 p.m. Lyceum vs Mapua
Team Standings: San Beda (4-0), Perpetual Help (3-0); San Sebastian (3-1); Arellano University (2-1); Emilio Aguinaldo (1-2); Lyceum (1-2); Jose Rizal University (1-2);
Letran College (1-2); St. Benilde (0-3); Mapua Tech (0-3)

SUMANDAL ang four-time defending champion San Beda sa tikas ng kanilang mga beterano para maitala ang 90-81 panalo sa Arellano University sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Baser Amer at Arthur dela Cruz ang sinandalan sa mahahalagang puntos habang si Anthony Semerad ay nakahirit ng krusyal na offensive foul sa Chiefs para maisantabi ang pagkawala ng 18 puntos kalamangan tungo sa paglista ng kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Ang tres ni Semerad ang nagbigay sa San Beda ng 58-36 kalamangan  upang akalain na mauuwi sa tambakan ang tagisan.
Pero nagpumiglas ang Chiefs at napababa nila sa isang puntos ang nasabing kalamangan, 80-79 sa huling dalawang minuto ng laban.

Dito gumana sina Amer at Dela Cruz para ipalasap sa Chiefs ang kanilang unang pagkatalo sa tatlong laro. Magkasunod na jumpers ni Amer ang nagtulak sa Red Lions sa 86-81 kalamangan bago bumanat ng 4-of-4 sa free throw line si Dela Cruz upang wakasan ang 10-1 palitan.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...