James maligayang-maligaya sa piling ni Michaela Cazzola


Nu’ng isang araw lang ay may nakakita kay James Yap sa isang sosyal na shopping mall kasama si Michaela Cazzola at ang pamilya ng basketbolista.

Masayang-masaya ang grupo, madalas na may nagpapa-picture taking kay James na pinagbibigyan naman niya, wala raw palang kaere-ere ang MVP player ayon sa ating mga kababayan.

“Palagi siyang nakaakbay kay Michaela, proud na proud naman ang girl sa boyfriend niya, ikaw na nga naman ang maging karelasyon ng pinapalakpakang basketball player!

“Pero hindi maepal si Michaela, pinababayaan lang niya si James na ine-entertain ang mga fans na lumalapit sa kanya, lumalayo pa nga siya kapag may mga nagpaparetrato sa BF niya, e.

“Marespeto naman si James, bago siya makipag-pose sa mga fans niya, e, nagpapaalam pa siya kay Michaela, kitang-kita mo ang respetuhan nila.

Saka masayang-masaya si James, siya pa rin kasi ang hari ng hardcourt ngayon, natagpuan niya na rin ang babaeng magmamahal talaga sa kanya,” opinyon ng aming kaibigan.

Paalis papuntang Europe sina James at Michaela, ‘yun ang premyo ni James sa kanyang sarili dahil sa matinding sakripisyong ibinibigay niya sa kanyang propesyon, mula sa umpisa hanggang sa huli ay nagpakitang-gilas ang pambato ng San Mig Coffee Mixers sa pinakamamahal niyang linya.

“Iba talaga ang dating ng basketball player na inspired, nakikita ‘yun sa laro niya, magtuloy-tuloy na sana ang katahimikan ng personal life ni James.

He deserves it,” panghuling komento ng aming kausap. Harinawa.

( Photo credit to james yap official fanpage )

Read more...