Inilantad na ni Erich Gonzales ang kanyang non-showbiz boyfriend for three years sa kanyang Instagram account. Hindi raw ‘yun alam ng kanyang BF. Pero nu’ng nalaman ay pinagsabihan si Erich ng boyfriend na last na ‘yun.
Hawig daw sa Korean actor na si Lee Min Ho ang dyowa ni Erich. Kaya gusto mang “i-display” ni Erich ang BF sa publiko, ayaw naman nu’ng guy. Although, very supportive naman ito sa showbiz career niya.
Tonight, abangan si Erich sa very inspiring story na tampok sa Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN. Gagampanan niya ang karakter ni Jessa, isang model and beauty queen na may kapansanan sa paningin.
Sa edad na 18 ay tuluyan nang nawala ang paningin ni Jessa na namana ang glaucoma mula sa kanyang ina. Tuklasin sa MMK kung paano tinahak ng isang batang lumaking inaapi sa eskwela ang daan tungo sa tagumpay lalo na nang maging guro siya ng mga estudyate na may kapansanan rin sa paningin at koronahan siya bilang Miss Philippines on Vision 2013.
Tampok din dito sina Irma Adlawan, William Lorenzo, Nikki Bagaporo, Abby Bautista, Bianca Bentulan, Ogie Escanilla, Louise Bernardo, Joe Gruta, Amy Robles, Dionne Monsanto, Nina Ricci Alagao at Koreen Medina. Ito’y sa direksyon ni Nuel Naval
( Photo credit to EAS ).