Takbo nang takbo (2)

Sulat mula kay Leena,  ng Barangay Bag-ong  Lungsod, Tandag City
Problema:
1.      Tatlong gabi ko nang napapanaginipan ang pagtakbo.  Hindi naman sunud-sunod na gabi pero sa isang linggo ay isang gabi at simula sa nakalipas na buwan hanggang ngayon ay tatlong gabo ko nang nakikita sa panaginip ang aking pagtakbo, bagaman wala namang humahabol.
2. Nag-apply ako ng trabaho sa ibang bansa at inaasikaso naman ako ng agency na nilapitan ko.  Hindi naman ako kinakabahan sa agency na ito, di tulad sa unang nilapitan ko.  Kaya binawi ko roon ang aking application.  Ipinanganak ako noong Nob. 20, 1990.
Umaasa,
Leena, ng Barangay Bag-ong Lungsod, Tandag City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 1.) ang nagsasabing isang kaibigang Taurus ang tutulong sa iyo upang mas madali kang makaalis ng bansa.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing susuwertehin ka sa mga lalaking isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 5, 14 at 23 at malamang na isa sa kanila ang mapapangasawa mo sa iyong pagbabalik sa ating bansa. Samantala, tinatayang magiging mabunga ang trabaho mo sa abroad, dahil wala namang balakid na nakita sa mga guhit ng palad mo.
Ang tumatakbo sa panaginip ay nangangahulugan ng “pagsisikap”. Sa partikular, ang pagsisikap na ginagawa mo sa ngayon ay may kaugnayan sa “career”. Ibig sabihin, kahit walang humahabol sayo ikaw ay tumatakbo, nangangahulugan lamang na sa panahong ito patungo ka na sa “finish line”. Ibig sabihin ng “finish line”, patungo ka na sa isang matagumpay at maalwang pamumuhay. Ang panaginip mo ring tumatakbo ay tanda ng isang matagumpay na career o hanap buhay sa hinaharap.
Huling payo at paalala:
Leena ayon sa iyong kapalaran, ang panaginip mong tumatakbo ay pagbabadya ng tiyak na tagumpay sa napili mong career. Kaya nga tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap sa susunod na taon, sa mga buwan ng “ber,” matutuloy ka pangingibang-bansa.  May katapusan o finish line rin naman ang pakikipagsapalaran mo.  At sa finish line, tangan mo na ang maraming pera.

Read more...