SA gitna ng mga panawagan sa kanyang pagbibitiw kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP), nagtangkang magbitiw si Budget Secretary Florencio Abad, subalit tinanggihan ito ni Pangulong Aquino.
Sa pagsisimula ng Cabinet budget presentation sa TV kahapon ng umaga ay isiniwalat ni Aquino na nagsumite ng kanyang resignation letter si Abad kamakalawa ng gabi subalit hindi niya ito tinanggap.
“Yesterday Secretary Abad gave me a letter tendering his resignation from the Cabinet. I have considered the same and I have decided not to accept the resignation,” giit niya.
Token resignation
Pakitang-tao lang umano ang inihaing resignation ni Abad.
Sinabi ni Gabriela Rep. Luz Ilagan na dapat ay nilagyan ng “final and irrevocable” ni Abad ang kanyang resignation letter upang hindi na nabigyan pa ng opsyon si Aquino na hindi ito tanggapin.
“Nakalagay ba sa resignation nya na final and irrevocable? Kung hindi, then it is only a token resignation. The sincerity and force of the resignation is diminished by that all-important phrase na “final and irrevocable”. It is a saving face gesture–walang laman,” ani Ilagan.
( Photo credit to inquirer news service )