Suarez wagi na naman | Bandera

Suarez wagi na naman

Mike Lee - July 11, 2014 - 12:00 PM

NAKUHA ni Charly Suarez ang ikalawang sunod na panalo para maisantabi ang pagkatalo ni Dennis Galvan sa idinadaos na 4th Kazakhstan President’s Cup sa Baluan Sholak Palace of Culture and Sports sa Almaty, Kazakhstan.

Beterano ng World Series of Boxing sa koponan ng Milano Thunder noong nakaraang taon, ginamit ni Suarez ang kanyang bilis at lakas para pumuntos tungo sa panalo kay Jumsakbaev ng host Kazakhstan para sa kanyang ikalawang dikit na panalo.

Ito ang unang international tournament ng makailang-ulit na SEA Games gold medalist na si Suarez matapos bumalik mula sa WSB noong nakaraang Marso dahil nagpagaling siya sa mga tinamong injuries.

Ang dalawang panalo ay magandang senyales sa bumubuting kondisyon ni Suarez lalo pa’t ginagamit ng ABAP ang kompetisyon bilang basehan sa kung sino ang ipadadala sa Asian Games sa Incheon, South Korea sa Setyembre.

Hindi naman pinalad si Galvan na natalo sa pamamagitan ng unanimous decision kay Chinzorig ng Mongolia.

Sunod na sumalang ay ang 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar at pakay niya ang ikalawang panalo sa pagbangga sa matatag na si Jorge Vivas ng Cuba.

Si Vivas  ay isang American Continental champion at galing sa unanimous decision panalo kay Chatchai Butdee ng Thailand.

Ang isa pang Filipino boxer na si Rogen Ladon ay magbubukas ng kampanya laban kay Erjan ng Kazakhstan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending