Erich 2 taon nang engaged pero ayaw pang pakasal sa boyfriend

ERICH GONZALES

INSPIRASYON upang patuloy na lumaban sa buhay sa kabila ng mga pagsubok ang ibabahagi ni Erich Gonzales sa mga manonood ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado sa pamamagitan ng karakter niyang si Jessa, isang model at beauty queen na may kapansanan sa paningin.

Sa edad na 18, tuluyan nang nawala ang paningin ni Jessa na namana ang glaucoma mula sa kanyang ina.

Tuklasin sa MMK kung paano tinahak ng isang batang lumaking inaapi sa eskwela ang daan tungo sa tagumpay lalo na nang maging guro siya ng mga estudyate na may kapansanan rin sa paningin at koronahan siya bilang Miss Philippines on Vision 2013.

Tampok rin sa MMK episode na ito sina Irma Adlawan, William Lorenzo, Nikki Bagaporo, Abby Bautista, Bianca Bentulan, Ogie Escanilla, Louise Bernardo, Joe Gruta, Amy Robles, Dionne Monsanto, Nina Ricci Alagao at Koreen Medina. Ito ay sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang MMK na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi after Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Samantala, tungkol naman sa isyung malapit na siyang magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend (five years na sila), hindi pa raw ito mangyayari soon. Mahigit two years na rin silang engaged.

“Alam niya (boyfriend) rin naman na marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. I’m very thankful dahil supportive siya lahat ng ginagawa ko and he knows na priority ko talaga ‘yung work ko,” sey ng Kapamilya actress.

Read more...