Lagot si Zanjoe Marudo kapag nagkainlaban sina Bea at Paulo

PAULO AVELINO AT BEA ALONZO

NASUBAYBAYANnamin ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng dalawang gabi at talagang mapapakapit ka sa kuwento dahil nagtayo na rin ng sariling chocolate house si Bea Alonzo bilang si Emmanuel sa kaparehong building kung saan nakapuwesto ang coffee/chocolate shop ni Paulo Avelino bilang si Patrick at asawang si Maricar Reyes bilang si Sasha.

Kaya lang, iba ang sinasabi ni Emmanuel/Rose kay Ms. Susan Roces na gagantihan niya sina Patrick at Sasha sa sinasabi ng puso niya dahil nawawala ang galit niya kapag nakikita niya ang lalaking inagaw sa kanya.

Kaya hindi kami nagtataka kung kumabig man ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa national TV rating sa Kantar Media ng 20.4% kumpara sa programa ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real na nakakuha ng 12.6% mula sa AGB Nielsen.

Ang tanong ng manonood ay hanggang kailan magpapanggap ni Rose para sa hustisya na kanyang inaasam?

Samantala, halos lahat ng sumusubaybay sa nasabing teleserye ng ABS-CBN ay nagsasabing bagay na bagay sina Bea at Paulo, tanong nga nila, paano kaya kung magkainlaban bigla ang dalawa sa tunay na buhay? Paano na nga naman ang boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo?

Hindi naman ito imposibleng mangyari, pero sa tingin naman namin, matindi ang pagmamahalan nina Bea at Zanjoe kaya hindi naman siguro papayag ang magkarelasyon na basta na lang masira ang kanilang samahan.

Read more...