Relasyong Coco-Julia iniintriga

Siyempre, tuwang-tuwa si Julia Montes dahil tanggap na tanggap ng mga manonood ang tambalan nila ni Coco Martin sa teleseryeng Walang Hanggan na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Kahit medyo malaki ang agwat ng kanilang edad ni Coco, e, swak na swak pa rin ang loveteam nila sa mga fans.

Pero meron din namang nagsasabi na hindi raw sila bagay.

“Siguro hindi naman natin maiiwasan kasi may opinion talaga tayong mga Pilipino na nakikita nila yung artista sa kung ano rin yung character nila sa show so siguro kanya-kanyang opinion na lang yun.

Aminin na natin na hindi talaga maiiwasan na malayo talaga ang edad namin pero sana isipin na lang nila na hindi naman kami ito personally.

“E, siguro yung mga tao hindi nila maiwasan na mahiwalay yung character sa totoong buhay so pag masama yung role mo, iniisip nila ganu’n ka na rin.

So mahirap din para sa amin pero sana maintindihan din nag tao na talagang work lang yun. Hindi ako si Julia, hindi siya si Coco dito sa show na ito.

Kami si Katerina at Daniel so sana yun yung makita nila at ma-feel nila sa show na ito,” chika ni Julia sa isang interview.

“Siyempre sobrang saya ko na maganda ang feedback kasi nung umpisa talagang maraming negative akong natatanggap na hindi daw kami bagay dahil sa age gap.

Pero at least nu’ng first week lumabas na okay naman, may chemistry naman daw. So sana tumuloy tuloy kasi marami pa talagang dapat abangan,” dagdag  ng dalaga.

Inamin din ni Julia na sobrang komportable sila ni Coco sa isa’t isa,  “Sa simula pa lang okay na ako sa kanya kasi nga magka-work na kami.

Konti lang siguro nu’ng mga first three days medyo kapaan pa pero sa susunod na days talagang wala na, kami na yung nag-gi-give and take. May kanya-kanya na kaming ideas na sini-share sa isa’t isa.”

Bukod kina Coco at Julia, inaabangan din nang bonggang-bongga ang love story sa Walang Hanggan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez, pero sa mga susunod na eksena asahan daw ang kakaibang Dawn dahil ito na ‘yung oras ng kanyang paghihiganti sa lahat ng umapi sa kanya.

Read more...