Katutubong ganda (2) | Bandera

Katutubong ganda (2)

Joseph Greenfield - July 10, 2014 - 01:33 PM

Sulat mula kay Apple,  ng Barangay Carmen  Annex, Ozamiz City
Problema:
1.      Kahit na pasok na ang edad ko sa 30, may lumilingon pa rin namang lalaki, o mga lalaki, sa akin.  Ayaw kong maniwala sa aking kaibigan na nagsabing troso raw ang dating ko sa lalaki.  Isa lang naman siya sa nagsabi noon.  Naniniwala ako na maganda rin naman ako.
2. Dito sa probinsiya ay naniniwala ako na may beauty ako, dahil ang tawag nila ay katutubong ganda raw.  Ayokong tumandang dalaga at hindi nakatitikim ng lalaki.  Magkaka-boyfriend ba ako?  Sino siya?  Kailan?  Yan na lang kasi ang kulang sa buhay ko: ang makalasap ng tunay na pag-ibig.
Umaasa,
Apple, ng Barangay Carmen Annex, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong  Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang magiging boyfriend mo at sa bandang huli ay tuluyan na ring makapag-aasawa.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsa 18 ang darating sa iyong buhay sa susunod na taon 2015, kung saan, ang lalaking ito ang una at huli mong magiging boyfriend.
Physiognomy:
Ang cute na hugis o maliit na hugis ng iyong mukha ay nagsasabing isang lalaking medyo pahaba ang hugis ng mukha ang iyong magiging boyfriend at tuluyan na ring mapapangasawa.
Graphology:
Upang tuluyang matupad at ganap na mangyari ang mga pag-aanalisang tinuran sa itaas, alisin mo ng malaking bilog na kumukulong sa iyong lagda. Ang malaking bilog kasi ang nagiging hadlang upang ikaw ay tuluyan ng magka-boyfriend. Sa halip, na kulungin sa bilog ang iyong lagda na nalilikha ng pagbabalikwas sa direksyong kaliwa ng pinaka-paa ng letrang “a”, pasibatin mo na lang patungong kanan ang pinaka-paa ng letrang “a”. Sa ganyang inobasyon ng lagda, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.

Apple, ayon sa iyong kapalaran, sa taong ito ay hindi ka pa magkaka-boyfriend, subalit sa susunod na taon 2015, tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na sa itaas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang iyong magiging boyfriend, na nagtataglay ng birth date na 18, na may initial na J.A. kung saan, ang lalaking ito ang magiging boyfriend at mapapangasawa mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending