HOROSCOPE, JULY 10, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa ibang bansa mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 13, 31, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Om-Elohim.” Green at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Kung namumrobema sa pera sa ngayon, masosulusyonan din yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Sagittarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.” Red at lilac ang bueans.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa pinansyal, ipilit ng ipilit ang iyong gusto upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hindi magiging maligaya kung lagi mong pinaiiral ang hina ng loob. Mapalad ang 7, 9, 18, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos!” Purple at maroon  ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21)—  Ituloy ang ginagawang mga pagsisikap malapit ka ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Libra sa kanya ka humuhugot ng lakas at kakaibang libido. Mapalad ang 5, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naive-Me.” Green at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Mag-establish ng sariling career at negosyo upang lumago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Gayatri-Om.” White at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa mga bagay na materyal. Mag-ipon lang ng sapat para para kinabukasan. Sa pag-ibig, higit na payapa ang isipan ng may simple at sama-samang pamilya kaysa sa ubod ng yaman na broken family naman . Mapalad ang 1, 8, 28, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Om.” Silver at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Maghanda sa kamanghamanghang sandali, may sopresang romansang darating. Sa salapi, may mang-uuto na naman sayo, kilalaning mabuti ang pauutangin, upang hindi ka masuba. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Green at violet ang buenas.
 Libra – (September 23-October 23)—  Hindi ka kaiingitan kung hindi ka magmamayabang. Kapag nawala na ang mga naiingit mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo na huwag na rin siyang ma-angas at ma-epal. Mapalad ang 3, 12, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ayena-Aum-Patrenan.” Blue at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Agapay buhat sa iba ang magbibigay ng ligaya. Isang Cancer ang tutulong  upang masimulan na ang negosyong matagal ng binabalak. Sa pag-ibig, isang Taurus na katabi mo lang, ang may lihim sayong pagnanasa. Mapalad ang 7, 9, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Om.” Green at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Ang lahat ng bagay ay lumilipas. Sa madaling panahon ang mga problemang may kaugnayan sa  salapi ay masusulusyunan sa tulong ng isang Aries. Sa pag-ibig, unti-unti na ring mawawala ang pagtatampo ng kasuyo. Mapalad ang 1, 9, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Om.” Blue at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—   May mga gastusing hindi inaasahan. Hindi ito ang tamang panahon upang maglabas ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, ito ang tamang panahon upang pagukulan ng dagdag na oras ang minamahal. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Karan.” Black at orange ang buenas.
 Aqarius – (January 20 – February 18)—  Hanapin ang mas malalim na diwa ng huhay. Wala sa limpak-limpak na salapi ang tunay na kaligayahan. Sa pag-ibig, sa pagtulong sa kapwa mararamdaman ang inner peace at complete happiness. Mapalad ang 1, 16, 25, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Naham-Om-Namo.” Lilac at violet ang buenas.
 Pisces – (February 19 – March 20)— Ang magandang career na naghihintay sayo ay nasa ibayong dagat. Sa pag-ibig, higit kayong uunlad at magiging maligaya ng iyong pamilya kung sa malayong lugar maninirahan. Mapalad ang 5, 6, 27, 32 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dahli-Om-Umali.” Magenta at blue ang buenas.

Read more...