Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. St. Benilde vs San Sebastian
4 p.m. Perpetual Help vs Emilio Aguinaldo
Team Standings: San Beda (3-0), Perpetual Help (2-0); Arellano (2-0); San Sebastian (2-1); Emilio Aguinaldo (1-1); Lyceum (1-2); Jose Rizal (1-2); Letran (1-2); St. Benilde (0-2); Mapua (0-3)
NAKAKUHA ang San Beda Red Lions ng magandang laro mula sa mga starters at reserves nito para maisantabi ang hindi paglalaro ng isang key player tungo sa 84-68 pananaig sa Lyceum Pirates sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Anthony Semerad ay gumawa ng 20 puntos para pantayan ang kanyang career-high, habang sina Baser Amer at Kyle Pascual ay naghatid ng 12 at 10 puntos.
Ang mga pamalit sa pangunguna nina Ranbill Tongco at Jaypee Mendoza ay nagsanib sa 26 puntos para masolo uli ng Red Lions ang liderato sa 3-0 karta.
“We knew it will be a tough outing but our players were up to the challenge,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez na hindi nakasama sa laro si Arthur dela Cruz.
Ang 6-foot-4 na si Dela Cruz ay nasuspindi nang itaas sa disqualifying foul ang naunang itinawag na flagrant foul laban kay Jeson Cantos ng Mapua Cardinals sa huling laro.
Si Ola Adeogun ay nalagay sa foul trouble at na-foul out din para makapaghatid lamang ng siyam na puntos bukod sa 12 boards.
Tinapos naman ng Letran Knights ang dalawang sunod na pagkatalo sa pagtala ng 79-67 panalo sa Cardinals sa ikalawang laro.
Ang mga beteranong sina Kevin Racal at Mark Cruz ang nagtulong para pigilan ang paglasap ng pinakamasamang panimula ng Knights sa huling apat na taon.
May 24 puntos, kasama ang 12-of-14 shooting sa free throw line, si Racal habang si Cruz ay may 23 puntos, 13 rito ay ginawa sa ikalawang yugto para bigyan ang Knights ng 42-32 kalamangan.
Bumaba ang Cardinals sa 0-3 karta pero mas maganda ang kanilang ipinakita kumpara sa pagkatalo sa San Beda at Perpetual Help na parehong nasa 34 puntos na average.