Umaasa si Kris Aquino na magiging maayos ang pagsasama nila ni Coco Martin sa kanilang entry sa MMFF 2014 na “Feng Shui 2”. Kasabay nito, inamin ni Kris na talagang ipinagdasal niya ang proyekto nilang ito ni Coco.
“Of course pinag-pray ko rin si direk Chito (Roño), ako at si Coco, na magkasundo-sundo kami,” sabi ni Kris sa Kris TV kahapon.
“Kasi lahat kami medyo, may kanya-kanya kaming ego sa trabaho so sana hindi kami magkabanggaan.
Alam mo ‘yung ganoon, ‘yung sana ay magmahalan at magrespetuhan kami doon,” aniya pa. Kung mataandaan, inamin ni Kris na nagkaroon sila ng gap ni Coco nang may gawin silang something “naughty” ni Kim Chiu na ikinatampo ng binata.
“He hated us talaga. Nag-naughty lang kami ni Kimmy. Matagal ‘yon, parang one month niya kaming hindi kinibo,” ang sabi ni Kris. Nag-sorry na rin noon ang TV host kay Coco.
( bandera.ph file photo )