Bakit ba wala pa ring dyowa si Yeng? | Bandera

Bakit ba wala pa ring dyowa si Yeng?

|January 31,2012
facebook
share this

Bakit ba wala pa ring dyowa si Yeng?

- January 31, 2012 - 04:52 PM

Para sa mga worried na walang date sa Valentine’s Day ay panoorin na lang ang pre-valetine show ni Yeng Constantino sa Music Museum sa Feb. 3, na may titulong “Okay Lang Maging Single Sa Valentine” kasama sina Paolo Valenciano at Jovit Baldivino mula sa direksyon ni Dido Camara ng ASAP Live.

Simula ng makilala namin si Yeng nu’ng contestant pa lang siya sa unang season ng Pinoy Dream Academy ay iisa lang ang alam naming lalaking na-link sa kanya, si RJ “Tuesday” Jimenez na ayon naman sa dalagang rocker ay hindi naging sila,

“Best friends lang kami” ang parating sinasabi sa amin ni Yeng.

At simula nang magkahiwalay sila ng bestfriend RJ niya ay wala na kaming nalamang naging malapit sa puso niya dahil nag-concentrate na raw siya sa career niya at sa pagsusulat ng mga kanta.

Ilang taon na ba si Yeng ngayon?

Single pa rin? Sana naman hindi siya mahawa sa mga kapatid niya sa Cornerstone na lahat ay single tulad nina Sam Milby, Erik Santos, Markki Stroem at Richard Poon.

Kaya nga ang wish namin, sana this year ay magkaroon na ng boyfriend si Yeng para naman may maipakilala na uli siya sa amin.

Hindi naman siguro masama kung magkaroon na siya ng lovelife, siguro panahon na rin naman.

Anyway, pagkatapos ni Yeng ay si Markki naman ang magkakaroon ng show sa Music Museum sa Feb. 4, na may titulong “Make Me Sweat, A Sexy Valentine Show” ka-back-to-back ang G-Force.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending