Vilma ayaw kampihan si Nora, takot sa ganti ni P-Noy


MASYADO lang sigurong maingat ang gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos sa kaniyang political career kaya kahit sa pagkalaglag ng kumare niyang si Nora Aunor sa listahan ng mga bagong pararangalang National Artist ay tahimik kang ito at ayaw mag-comment.

In one TV interview sinabi ni Vilma na kaya ayaw niyang mag-comment dahil anuman daw ang sabihin niya ay bibigyan pa rin ng ibang pakahulugan ng mga tao – “damned if you do, damned if you don’t” ang say daw ng lola Vi ninyo.

Parang napakarami namang “ED” sa sinabi niya – sobra-sobra gayong hindi na naman kailangan. Doon sa salitang “bless” niya dapat sinigurong mailagay ang “ED” para maging blessed, di ba? Dito naman sa “damn” ay binusog niya ng “ED” para wala na lang sigurong ligtas.

Kaso, naging masagwang basahin tuloy. Kungsabagay, siya na rin ang nagsabing “nobody’s perfect”, di ba? But that’s beside the point – napag-uusapan lang – no intention to offend Gov. Vi.

Ang isyu natin dito ay ang hindi niya pag-comment to defend sana a kapwa artist on that very controversial National Artist award. Ang sabi kasi ni Gov. Vi ay kung purihin daw niya si Nora ay sasabihin ng ibang plastic siya at kung meron naman siyang hindi magandang sasabihin ay sasabihing naiinggit lang siya kaya might as well manahimik na lang siya.

“May point naman siya, pero konti lang. Ang mahalaga sana rito ay ang maiparating ang tamang mensahe sa pangulo ng bansa na mali ang naging desisyon nitong tanggalin sa roster of honorees si Ms. Nora Aunor dahil she truly deserved that recognition.

Hindi na dapat inisip ni Gov. Vi ang “damned if you do, damned if you don’t” echos na ito. Or baka takot lang siyang pag-initan ng administrasyon dahil sa diumano’y mga  kuwestiyonableng proyekto sa Batangas na puwede niyang ikatanggal pag kinalaban niya si P-Noy.

Actually, aminin na lang ni Vilma sa puso niya na takot siyang pag-initan ni P-Noy kaya ayaw niyang kampihan ang kumare niya. “Kasi nga, ang dami nilang nakakalokang projects ng asawa niyang si Sen. Ralph Recto sa Batangas, kabilang na ang pagkuwestiyon ng ilang Batangueño sa isyu ng “SOP” sa mga projects doon.

Kaya hindi mo maiaalis na kuwestiyunin ang sobra-sobrang kayamanan nila ngayon. Well, with a husband like Ralph Recto na bihasa sa politics, goshED! Past tense ang gosh ko ha. Ha-hahaha!” anang isang taga-Batangas na nakausap namin kamakailan.

“Ows? Now we understand why Vilma is very quiet on that issue. Kahit kami rin siguro sa katayuan niya, mananahimik nga kami. Masyado kasing benggador ang pamahalaang Aquino kaya tama na lang din ang manahimik.

Nagpapaka-girl lang siguro si Vilma, wala naman kasi siyang balls, di ba? Maunawaan naman siguro ni La Aunor iyon,” dagdag naman ng isang Noranian.

Kaya kayong mga Noranians, huwag na kayong magalit kay Vilma Santos dahil isa ring nangangarap maging National Artist iyan. Sabi ni Ralph, para sa kaniya ay deserving na ring maging National Artist ang asawa niya dahil malaki na rin daw ang naging kontribusyon nito sa industriya. Take it from a husband speaking. Perfect!

( bandera.ph file photo )

Read more...