HOROSCOPE, JULY 09, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap talagang kitain ang pera kaya sa araw na ito, matapos mag-simba ay simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Om.” Green at red ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—  Sundin ang mungkahi ng kasuyo: hindi dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang ang susi upang yumaman— maging masinop  at matipid. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi ay nganga parin. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap;  mainam ‘yan, nakatipid ka na, lalo ka pang seseksi. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Habang pabago-bago ang panahon ay may babala ng karamdaman. Ang pagdarasal nang taimtim mamayang gabi bago matulog ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Anuman ang problema, huwag mabubugnot; alalahaning masarap pa ring mabuhay. Sa pinansyal, kapag lagi kang masaya ay mas darami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na silid. Mapalad ang 7, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kahit ano ang mangyari ay ugaliing magpasalamat. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Sa pag-ibig, mamayang gabi sabihin sa kasuyo, “Salamat Love,” sabay halik sa kanyang labi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar ay mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, mas magiging okay ang relasyon kung pansamantalang lalayo muna sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansiyal, kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Sa susunod, huwag ka nang mangutang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang  kinakapos, sa isang Aquarius ka manghiram ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ituloy ang pagiging romantiko at caring upang muling mag-init ang relasyon. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon upang huwag magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Huwag kang umasa sa iba. Sa pinansyal, mas marami kang kikitain kung mabubuhay sa sariling pagsisikap. Sa pag-ibig, huwag intindihin ang ibang tao, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste ‘yan, wala kayong pakialam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Hindi dapat magpabago-bago ng isip upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hinihintay ng kasuyo ang matagal mo ng pangako—mag-date daw kayong dalawa. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Mas mainam kung ibabahagi sa iba ang iyong problema. Sabi nga,“Shared joy is a double joy; shared sorrow is half a sorrow.” Ganoon ang gawin mo, makipagkuwentuhan lagi sa mga matatalik na kaibigan. Mapalad ang 1, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kahit nagpatong-patong ang mga gawain kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang yumaman. Sa pag-ibig, isa-isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.

Read more...