Rayver ayaw sumipsip sa mga bossing kaya walang proyekto

RAYVER CRUZ AT CRISTINE REYES

Ang napapansin naming hanggang ngayon ay wala pang project ay si Rayver Cruz na hindi na namin tanda kung ano ang huli niyang serye sa tagal.

Mabuti na lang at napapanood siya sa ASAP kaya maski paano ay may recall siya lalo na sa ibang bansa kaya siguro madalas siyang may shows doon kasama ang ibang Star Magic talents.

Ano ba ang problema kay Rayver? Marunong naman umarte, marunong sumayaw, marunong kumanta, multi-talented nga siya, eh, bakit wala siyang project?

Hindi naman siya pangit para masabing hindi siya puwedeng leading man, e, mas wala pang itsura ‘yung kakilala naming artista na ginawang bida, pero sadyang hindi marunong umarte talaga, pero lead role, huh?

Kasi magaling daw sumipsip sa mga bossing kaya nabibigyan ng lead role, kaso talagang walang sinabi sa acting kaya wala rin siyang project ngayon.

Well, hindi kasi marunong sumipsip si Rayver sa mga boss at kung ano na lang ibigay sa kanya, amen na lang nang amen.

Read more...