Arjo: Basta gusto ko si Alex, magtitiyaga ako!

ARJO ATAYDE AT ALEX GONZAGA

SAYANG at hindi ko napanood ang premiere airing ng Pure Love sa ABS-CBN at 5:45 p.m. last Monday dahil may klase ako sa ELJ Bldg. ng Law and Media Ethics under Atty. Katrina Legarda.

Hinayang na hinayang ako dahil this new series stars my baby Arjo Atayde kasama sina Joseph Marco and Alex Gonzaga, pero I’m sure, Arjo will understand it.

But I received a barrage of text messages from friends at ang sabi’y ang husay daw ni Arjo sa opening pa lang ng soap. Ito kasi yung Koreanovelang nagpataob noon sa Meteor Garden in their native country kaya lang mas naunang ipinalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden dahil sa kasikatan ng grupong F4. Kahit naman kami ay na-in love sa kaguwapuhan ng mga bida sa Meteor Garden.

“I am praying na mag-click itong Pure Love dito sa atin dahil you know, mahirap din yung taas ng expectation sa amin, kasi nga, kami ang pre-programming ng TV Patrol. As in primetime talaga ito. But I’m just confident that the beautiful story nito will be noticed – ang ganda kasi ng kuwento ng Pure Love, kakaiba. I hope this pulls strings para sa ratings game,” humbly says Arjo na napakasarap katsikahan.

When he met up with some members of the press last Sunday sa Dong Juan Resto (in front of St. Mary’s College, Q.C.), aliw na aliw sa kaniya ang mga writer dahil apart from this very intelligent interviewee, ganda ng sense of humor ng bata. Ito kasing si kafatid na Ogie Diaz ay nagtanong kung meron na siyang lovelife – at nang sagutin niya ito ng, “Wala pa po,” biglang nag-follow-up si Ogie ng, “Ano ang outlet mo?” referring to the naughty tienes nito tungkol sex.

Mabilis na sumagot si Arjo nang nakangiti ng “banyo” and followed it up ng napapagod na raw ang “tissue” sa kaniya. Hagalpakan ang lahat kasi nga – nice timing, huh! He said it with so much fun and honesty. Kaya lalong naging sexy ang dating ni Arjo sa lahat dahil normal niyang sinagot ang mga kalokohan ni kafatid na Ogie Diaz.

Wala raw talaga siyang lovelife sa ngayon but admitted na ang longest relationship niya lasted for seven years. Bata pa siya that time, kaya hirap daw siyang makahanap ngayon ng GF dahil naka-focus siya sa career niya.

Hindi kasi siya gimikero kaya siguro mas konti ang chance niyang makahanap ng partner. But then, the fact na crush na crush daw talaga niya si Alex Gonzaga na ka-partner niya sa Pure Love, masaya na siya kasi nga madalas niyang nakakasama ito sa mga eksena. Kumbaga, ito ang nagbibigay ng kulay sa bawat araw niya – ang laging makita si Alex.

May nagtanong kung nililigawan na raw ba nito si Alex? May sumundot namang baka gimik lang niya ang ligaw-issue sa kanila ni Alex dahil meron nga silang show together.

“We are just on the getting-to-know-each-other stage. Alam naman niyang gusto ko siya pero since sabi nga niya, hindi pa siya ready to have a boyfriend, I am willing to wait. Yung sa tanong kung baka gimik lang ito, I don’t think so dahil wala pa ang Pure Love ay crush ko na talaga si Alex at nasabi ko na ito noon pa. Basta gusto ko siya, magtitiyaga ako,” ani Arjo.

That’s my man. Hindi nawawalan ng pag-asa. Go anak! Malay mo, masungkit mo ang gusto mong bituin sa langit, di ba?

Read more...