DJ Mo pinalayas sa inuupahang bahay sa Amerika, wala na kasing pambayad


Anumang upak ang gawin ngayon ni DJ Mo Twister sa social media laban sa mga anak nina Senador Jinggoy Estrada at Precy Ejercito ay wala nang sagot na mababasa-maririnig mula sa magkakapatid.

Pinayuhan sina Janella, Jolo at Justin ng mga beteranong artistang kaibigan ng kanilang pamilya na pabayaan na lang nila ang bansuting deejay, ‘yun daw kasi ang gusto ng kutong-lupa, ang makakuha siya ng atensiyon.

Tama ‘yun, ipaubaya na lang ng magkakapatid ang pagbira sa bansuting si Mo Twister sa ibang tao, sayang na sayang lang kasi ang panahong ibibigay nila sa pakikipag-argumento sa isang taong mayabang at magaling lang namang bumanat nang patalikod dahil duwakang.

Sabi nga ng isang beteranong aktor na nakausap namin, “Napakabastos ng Mo na ‘yun, akalain mong pati mga batang walang kibo, binanatan din? Nu’ng bastusin niya si Rhian Ramos, nu’ng babuyin niya ang ex niya sa buong mundo, mula nu’n, wala na akong respeto sa mayabang na Mo na ‘yun!” sabi nito.

Gustung-gusto ng unanong ito ang pakikipag-away, para bang hindi kumpleto ang kanyang maghapon kapag wala siyang napapaaray, bitamina niya at suwero ang reaksiyon ng mga taong winawasak niya ang pagkatao at imahe.

Pero gaano katotoo na wala nang maipambayad sa inuupahan niyang tirahan sa New York ang maangas na deejay? Nakikitira na lang daw siya ngayon sa isang kaibigan?

“May kapatid siya sa States, pero hindi naman siya makatira sa bahay ng utol niya dahil ayaw sa kanya!” madiin pang impormasyon ng aming source.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Read more...