Angelica nagninang sa anak nina Melai at Jason


Pinatunayan ni Angelica Panganiban ang pagmamahal at pagsuporta niya sa kaibigang si Melai Cantiveros nang dumating ito sa binyag ng anak ng huli at ni Jason Francisco.

Ibig sabihin talagang naibalik na nila ang kanilang magandang friendship.  Noong Sabado ginanap ang binyag ng baby nina Melai at Jason at isa nga si Angelica sa tumayong ninang.

“Sobrang happy and proud na kinuha nila akong ninang,” ani Angelica sa isang interview. Dagdag niya, “Matagal na kaming okay. Last year pa. Nagkaroon lang ng misunderstanding noon.”

Hirit naman ni Melai, “Lagi akong nagte-text sa kanya na pumunta siya. Sabi niya, ‘Twinny, I’m gonna go, rain or shine.’ First time (namin nagkita) after ko magbuntis. Before pa ng kasal nag-sorry sorry na.

At least napatunayan namin na totoo kaming magkaibigan.”  Bukod kay Angelica, ang iba pang tumayong ninang at ninong ay sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Eddie Garcia, Kaye Abad, Sam Pinto, Ryan Bang, Tom Rodriguez at Alex Gonzaga.

( Photo credit to EAS )

Read more...