Angelica kinakawawa raw sa ABS-CBN, ang tagal binuro


Magbabalik sa teleserye si Angelica  Panganiban via the Pinoy adaptation of Passion de Amor. Kasama niya rito sina JC de Vera, Diether Ocampo at Cristine Reyes.

Merong isang nagtanong, package deal daw ba sina Angelica at Diether?  Sila yata kasi ang magkasama sa huling soap nila. May nagsabi naman na nabantilawan na si Angelica at parang wala na siyang appeal sa manonood. Bakit daw kasi masyadong siyang kinakawawa ng ABS-CBN, samantalang ang ibang female stars ng network ay sunud-sunod ang trabaho, pero siya, waley!

There are people asking din kung bakit agad-agad ang follow-up soap ni JC. Katatapos lang kasi ng The Legal Wife pero meron na ito kaagad na kasunod  na teleserye.

Hindi ba’t naroon din siya sa afternoon soap ng mga starlets ng Dos na sina Dominic Roque, Miko Raval at Meg Imperial. Ano raw ba ang ginawa ni JC to deserve such big breaks.

Bakit daw masyado itong paborito ng isang network executive? Bakit nga ba, eh, hindi naman magaling umarte itong si JC?
Actually, naglalabanan sila ni Paulo Avelino bilang paborito ng network.

After Honesto, isa na namang primetime soap ang pinagbibidahan ni Paulo. Again, what has he done to deserve the big breaks coming his way? Ham actor pa rin siya, ‘no!

( Photo credit to angelica panganiban official fanpage )

Read more...