Daniel, Kathryn mas sisikat pa sa Juday-Piolo loveteam


Unlike Bea Alonzo and John Lloyd Cruz na unang tinangkilik ng mga manonood sa pelikula nila na “One More Chance” at ang “A Very Special Love” nina Sarah Geronimo at John Lloyd ulit, proven na ang box-office appeal ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bago pa man idirek ng Cathy Molina sa bagong pelikula ng Star Cinema na “She’s Dating The Gangster.”

Hindi namin natanong kay Direk Cathy kung may conscious effort ba siya na kailangan super successful sa takilya ang “She’s Dating the Gangster” to maintain her stature as the maker-director of “blockbuster loveteams” sa local industry.

Sabi kasi ng iba, kahit anong movie ngayon ang gawin ng Kathniel tandem, definitely, it will be a monster hit. Syempre wish ni Direk Cathy na maabot din ng Kathniel ang kasikatan noon ng tambalan nina Judy Ann-Piolo, Bea-John Lloyd, “Pero kung ang definition po ay kung sino sila, wala po.

They could always be just the two of them,” sey ni Direk Cathy sa presscon ng “She’s Dating The Gangster” na ipapalabas na on July 16. Sabi naman ni Daniel, “Ise-set na lang po namin sina John Lloyd, Piolo as example po sa amin ni Kathryn.

Kumbaga, inspirasyon po silang dalawa dahil hindi naman sila sumikat dahil guwapo at magaganda kundi dahil po magagaling silang artista. Kaya lagi namin silang inspirasyon.”

Pero may conscious effort na gawing wholesome ang term na “gangster” sa movie si Direk Cathy, “Nakita ninyo naman sa teaser, wala naman sa pagiging gangster nila ang tendency to become violent.

We really avoided that part. Kasi ang gangster naman doesn’t necessarily mean na may gang ka na frat, violent, may hazing, ganyan. Gangster kanya-kanyang interpretasyon ‘yan,” esplika ni Direk Cathy.

( bandera.ph file photo )

Read more...