Bayad-laman, puwede (2)

Sulat mula kay Nilda, ng Cabadbaran City, Caraga
Problema:
1.      Nahihiya man ako ay tinanggap ko ang alok na pera ng kaibigan kong lalaki, kahit hindi lubos ang pagkakakilala ko sa kanya.  Anuman ang kanyang dahilan sa pagpapautang ng pera sa babaeng hindi rin niya lubos na kilala ay hindi ko na inisip.  Kung kapalit nito ay laman ko ay hindi ko pa alam ang sagot.  Nang dahil sa kanyang pera ay nakapagpatuloy ako ng pag-aaral, pero hindi ko alam kung saan kukuha ng pera sa susunod na semestre.
2.      Bahala na.  Biglang umalis ang lalaking ito dahil nagkagulo sa barangay namin at pinaghinalaan siyang kaaway ng mga sundalo.  Doon ako nakaramdam na kailangang bayaran ko siya. Kung hiniling niya na bayad-laman na lang ay puwede na rin.  Pero, mabait siya sa akin. Paano ako makababayad sa kanya.  Kursong guro ang kinukuha ko.
Umaasa,
Nilda, ng Cabadbaran City, Caraga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing paulit-ulit sa iyong karanasan, habang ikaw ay nag-aaral lagi ng may tutulong at aasiste sa iyo upang makatapos ka ng pag-aaral, hanggang ang nasabing lalaki na isinilang sa zodiac sign na Aries ang siya mo ng maging boyfriend.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang taong laging tumutulong sayo na nagtataglay ng birth date na 8, 17 o kaya’y 26, ang siya mo ng magiging boyfriend at mapapangasawa sa bandang huli. Subalit bago mangyari yon, tulad ng inaahasan makakatapos ka muna ng pag-aaral bilang isang teacher.
Graphology:
Sa pag-aanalisa magiging maganda ang iyong career, ang iyong kapalaran at ang iyong love life sa susunod pang mga taon ay madali namang kinumpirma ng maganda at maayos mo ring lagda. Ibig sabihin ang lahat ng problema at mga suliraning kasalukuyan mong nararanasan ay pawang magiging pansamantala lamang. Dahil tulad ng nasabi, kusang masosolusyunan sa darating na mga araw ang problema mong pang materyal hanggang sa suwabe at tuloy-tuloy ka na ngang makapagpatuloy ng kurso mong education.
Huling payo at paalala:
Nilda, ayon sa iyong kapalaran tiyak na ang magaganap, kung wala ka mang kapera-pera sa ngayon at iniisip mong maghinto na sa pag-aaral o kaya’y maghanap ng trabaho, hindi mangyayari ang iniisip mong iyan. Sa halip, mula sa ibayong dagat may darating na malaking halaga para sa pag-aaral mo. Tulad ng naipaliwanag na, ito ay manggagaling sa isang taong dati ng tumutulong sa iyo at paulit-ulit at lagi ka pa rin niyang tutulungan, hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral at sa bandang huli ang lalaking nabanggit na may initial na R.G. ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maunlad at maligayang pamilya habambuhay.

Read more...