Mga Laro Ngayon
(The Arena)
12 p.m. Perpetual Help vs San Sebastian (jrs)
2:30 p.m. Perpetual Help vs San Sebastian (srs)
Team Standings: San Sebastian (2-0); San Beda (2-0); Perpetual Help (1-0); Arellano (1-0); EAC (1-0); Lyceum (1-1); St. Benilde (0-1); Jose Rizal (0-2); Letran (0-2); Mapua (0-2)
HINDI sumablay si Baser Amer sa kanyang anim na pinakawalang triples sa first half para katampukan ang 89-55 demolisyon ng San Beda Red Lions sa Mapua Cardinals sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ang 5-foot-8 guard ay tumapos taglay ang 21 puntos at kalahati sa 14 3-pointers na ginawa ng four-time defending champion Red Lions ang kanyang inako.
thony Semerad, Ola Adeogun at Arthur Dela Cruz ay nagsanib sa 35 puntos para makasalo uli ang tropa ni San Beda coach Boyet Fernandez sa liderato na hawak ngayon ng San Sebastian Stags.
Tinapos ng Red Lions ang first half gamit ang 11-2 palitan para lumamang ng 18 puntos, 50-32.
Pinakamalaking abante ng San Beda ay nasa 37 puntos, 85-48, nang tumulong sa pagpuntos sina Semerad at Adeogun.
Nagamit naman ng Lyceum Pirates ang isa sa dalawa nilang Cameroonian player para tuhugin ang 74-70 panalo sa Letran Knights sa unang laro.
Si Guy Mbida ay naghatid ng intensidad sa huling yugto para makabangon ang Pirates mula sa 80-93 pagkatalo sa Arellano Chiefs sa kanilang unang asignatura.
May 15 puntos at 12 rebounds si Mbida na hindi nagamit sa unang laro.
Si Dexter Zamora ang nanguna sa Lyceum sa kanyang kinamadang 16 puntos, 11 rito ay ibinuhos sa first half, habang sina Wilson Baltazar at Shane Ko ay naghatid pa ng 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Ang masigasig na paglalaro ni Mbida ang nakatulong para mahawakan ng Pirates ang 66-57 kalamangan.
Nakapanakot man ang Knights sa pagdikit sa tatlo, 73-70, sa rainbow shot ni Mcjour Luib, tinapos ng split sa 15-foot line ni Joseph Gabayni ang hininga ng Letran para sa ikalawang dikit na pagkatalo.